Latest na Update sa Tax Burn ng Terra Classic (LUNC) Network at Pag-open ng Deposit at Withdrawal Services ng Mainnet Terra Classic (LUNC) Tokens
Dear KuCoin Users,
Dahil live na ang pag-increase ng tax burn ng Terra Classic (LUNC) network na mula 0.2% ay naging 0.5%, sinu-support na ng KuCoin ang 0.5% tax burn ng Terra Classic (LUNC) at Terra Classic USD (USTC) tokens at ia-update ang fees (nakadetalye sa ibaba):
1. Walang sisingiling fee kapag nag-deposit ang users ng LUNC at USTC tokens sa KuCoin.
2. Dahil napapailalim na sa 0.5% tax burn fee na pinagtibay ng Terra Classic (LUNC) network ang consolidation ng deposit ng users, isasama ng KuCoin ang tax burn fee sa withdrawal fees para sa LUNC at USTC tokens.
Hindi sisingilin ang mga user para sa fee na ito hanggang sa magawa ang mga withdrawal.
Ia-adjust ng KuCoin ang withdrawal fees para sa LUNC at USTC tokens, at pati na rin ang minimum at maximum na withdrawal amounts nang naaayon.
3. Live na sa KuCoin ang updated na 0.5% tax, at naka-open na ngayon ang deposit at withdrawal services ng mainnet Terra Classic (LUNC) tokens.
4. Hindi maaapektuhan ng tax burn ang trading para sa LUNC at USTC tokens, at pati na rin ang mga nauugnay na serbisyo.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-refer sa:
Bagong Patakarang Pang-ekonomiya (New Economic Policy) para sa Terra Classic
Salamat sa iyong suporta!
Ang KuCoin Team
Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!