Closure ng Pre-Market at Schedule ng Delivery para sa Xai Blockchain (XAI)
Dear Valued KuCoin User,
Lubos naming pinahahalagahan ang iyong active participation sa aming mga Pre-Market product, lalo na sa trading session para sa Xai Blockchain (XAI). Ang iyong engagement ay may mahalagang papel sa patuloy na tagumpay ng initiative na ito.
Natutuwa kaming i-announce ang conclusion ng Pre-Market trading session para sa XAI. Habang patungo na tayo sa delivery phase, gusto ka naming gabayan sa mga paparating na procedure at timeline.
1. Time Frame
- Magko-close ang Pre-Market ng 17:50 sa Enero 9, 2024 (UTC+8).
- Magsisimula ang settlement ng 18:00 sa Enero 9, 2024 (UTC+8).
- Ang final settlement time ay 6 na oras pagkatapos i-enable ng KuCoin ang trading service para sa XAI. (Estimated, maaaring magbago kung sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari, halimbawa, huminto ang Solana sa pag-produce ng mga block).
Maaaring magresulta sa pagkawala ng collateral ang hindi pagkumpleto ng delivery. Ika-cancel ng lahat ng pending order pagkatapos noon, at ibabalik ang funds sa original source ng mga ito.
2. Automated na Delivery ng Token sa Trading Account
Automatic ang proseso ng delivery para sa XAI tokens. Bilang isang seller, kung nasa KuCoin Trading Account mo ang required na XAI tokens, automatic na ima-manage ng aming system ang delivery. Kung hindi agad naproseso ang iyong delivery, matiyagang maghintay nang ilang minuto.
Paki-note na patuloy na susubukan ng system na i-fulfill ang mga delivery para sa mga hindi pa nakakakumpleto sa mga ito, ibig sabihin, maraming pagkakataon ang mga seller para sa delivery. Gayundin, maging aware na dahil sa automatic clearance na ito, maaaring maapektuhan sandali ang mga iyong mga normal na trading activity.
Gayunpaman, kailangan mong tandaan na kung mapalampas mo ang final delivery time, mawawala ang iyong collateral.
3. Mga Method para sa Delivery
3.1 Mag-deposit
- I-confirm ang tamang Token Ticker (XAI) at tiyaking nasa iyo ang accurate na deposit address.
- I-transfer ang required na XAI sa iyong Spot Trading Account bago ang naka-designate na delivery time.
3.2 Mag-purchase sa Spot Market
- Kung wala kang sapat na XAI, puwede kang mag-purchase ng kinakailangang amount sa Spot market.
- Pagkatapos mag-purchase, i-transfer ang XAI tokens sa Spot trading account mo at hintayin ang naka-schedule na delivery time.
4. Importanteng Note
Napakahalaga na i-store mo ang iyong XAI tokens sa Spot trading account mo. Hindi iko-consider para sa delivery ang mga token na nasa anumang iba pang account (tulad ng Funding Account). Kapag hindi ka nakapag-transfer ng tokens sa Spot trading account, maaari itong magresulta sa forfeiture ng collateral mo.
5. Pag-monitor ng Delivery Status
5.1 Pending ang Delivery
- Kung naghihintay ng delivery mula sa seller, mag-navigate sa Pre-Market > Mga Order Ko > Pending ang Delivery para ma-monitor ang status.
5.2 Mga Nakumpletong Delivery
- Para sa mga delivered o default na transaction, puwede mong i-check ang status sa pamamagitan ng pagpunta sa Pre-Market > Mga Order Ko > Nakumpleto.
5.3 Mga Nakumpletong Delivery
- Para sa mga detalye ng USDT transaction, puwede mong i-check ang status sa pamamagitan ng pagpunta sa https://www.kucoin.com/assets-detail
6. Support
Kung nakakaranas ka ng anumang problema o mayroon kang mga tanong tungkol sa proseso ng delivery, huwag mag-hesitate na makipag-ugnayan sa aming dedicated support team sa pamamagitan ng KuCoin App. Para sa community discussion, samahan mo kami sa KuCoin Pre-Market Trading Community.
Salamat sa iyong cooperation. Nakatuon kami sa pag-provide ng maayos na trading experience, at labis naming pinahahalagahan ang iyong tiwala.
Babala sa Risk: Ang pag-invest sa cryptocurrency ay katulad ng pagiging isang venture capital investor. Available ang cryptocurrency market sa buong mundo nang 24x7 para sa trading nang walang oras ng pag-close o pag-open ng market. Pakiusap, gumawa ng sarili mong risk assessment kapag nagpapasya kung paano mag-invest sa cryptocurrency at blockchain technology. Sinusubukan ng KuCoin na i-screen ang lahat ng token bago mapunta sa market ang mga ito. Gayunpaman, kahit na magsagawa ng pinakamahusay na due diligence, may mga risk pa rin kapag nag-i-invest. Hindi mananagot ang KuCoin para sa mga gain o loss sa investment.
Para sa Terms ng Paggamit, mag-refer sa Kasunduan sa User ng Pre-Market
Ang KuCoin Team