FAQ sa Pre-Market Trading

FAQ sa Pre-Market Trading

10/27/2023, 14:03:08

FAQ sa Pre-Market Trading

1. Ano ang Pre-Market sa KuCoin?


Ang Pre-Market ay isang unique platform sa KuCoin na nag-a-allow sa mga user na mag-trade ng mga token bago official na ma-list ang mga ito. Katulad ito ng pagkakaroon ng early access sa mga bagong token listing.

2. Paano mag-trade sa Pre-Market sa KuCoin?

Hanapin ang token kung saan ka interesado.
I-place ang iyong order sa pamamagitan ng pag-input ng quantity at price, at pagkatapos ay i-confirm.
Tiyakin ang timely delivery ng order sa loob ng napagkasunduang timeframe.



2.1 Paano ako Magba-buy bilang Maker?

I-click ang “Mag-create ng Order”, at mag-place ng buy order sa pamamagitan ng pag-enter ng quantity at price. Pagkatapos bayaran ang collateral, i-confirm ang iyong order.
Hintaying may mag-match na seller sa iyong order.
Kung may seller na nag-take ng order, maghintay hanggang ma-list sa KuCoin ang token.
Kapag nag-deliver na ang seller, matatanggap mo token. Kung hindi naman nag-deliver ang seller, makukuha mo ang compensation at collateral pabalik.



2.2 Paano ako Magba-buy bilang Taker?

Maghanap ng existing order na nagma-match sa hinahanap mo.
Tanggapin ang sell order, i-double check ang quantity at price, i-secure ang collateral, at i-confirm.
Maghintay hanggang ma-list sa KuCoin ang token.
Pagkatapos ng delivery ng seller sa loob ng napagkasunduang timeframe, matatanggap mo ang token. Kung hindi naman nag-deliver ang seller, makukuha mo ang compensation at collateral pabalik.


2.3 Paano ako Magse-sell bilang Maker?

I-click ang “Mag-create ng Order”, at mag-place ng sell order sa pamamagitan ng pag-enter ng quantity at price. Pagkatapos bayaran ang collateral, i-confirm ang iyong order.
Hintaying may mag-match na buyer sa iyong order Kung may buyer na nag-take sa order, maghintay hanggang ma-list sa KuCoin ang token.
Tiyakin ang timely delivery para makuha ang deposit ng buyer. Kapag nag-fail sa pag-deliver, nangangahulugan ito na mawawala ang collateral mo.



2.4 Paano ako Magse-sell bilang Taker?

Maghanap ng existing order na nagma-match sa hinahanap mo.
Tanggapin ang buy order, i-double check ang quantity at price, i-secure ang collateral, at i-confirm.
Maghintay hanggang ma-list sa KuCoin ang token.
Mag-deliver nang nasa oras para matanggap ang deposit ng buyer. Mawawala ang collateral mo kapag wala ka sa oras.


3. Paano makumpleto ang delivery

Sa karaniwan, may dalawang paraan ng delivery.

3.1 Pagkatapos ng listing, mag-deposit ng tokens sa loob ng naka-stipulate na oras

Tiyaking nasa iyo ang tamang Token Ticker at Deposit Address.
Mag-transfer ng sapat na tokens sa spot trading account at hintayin ang delivery time.

3.2 Mag-purchase ng sapat na tokens sa spot market, mag-transfer ng sapat na tokens sa spot trading account, at hintayin ang delivery time.

Note: Tiyaking naka-store ang tokens sa iyong spot trading account. Hindi mare-recognize ang tokens sa anumang iba pang account (hal., funding account) para sa delivery at maaaring mawala ang lahat ng collateral mo.

4. Paano dine-determine ang mga price sa Pre-Market?


Dine-determine ng mga buyer at seller ang mga price sa Pre-Market. Puwede silang mag-set ng kanilang mga quote, na maaaring iba sa mga price kapag official nang naka-list ang token.

5. Puwede ba akong mag-cancel ng order kapag na-confirm ko na ito?


Puwedeng i-cancel ang mga hindi na-fill na order nang hindi nag-i-incur ng mga fee. Gayunpaman, mananatili ang mga na-fill na order hanggang sa official listing ng token o kung na-cancel ang listing.

6. Ano’ng mangyayari kung hindi ko makumpleto ang aking order sa loob ng napagkasunduang oras?


Maaaring magresulta sa pagkawala ng collateral ang hindi pag-deliver nang nasa oras. Palaging tiyakin na matutugunan mo ang mga condition ng trade.

7. Kung na-fill ang order ko bilang buyer, nangangahulugan ba ito na matatanggap ko kaagad ang token?

Makikita sa landing page ng Pre-Market ang delivery timeframe ng token. Maging patient at hintaying mag-deliver ang seller sa loob ng naka-stipulate na oras.

8. Paano natitiyak ang liquidity sa Pre-Market?


Ang liquidity ay pangunahing tinitiyak ng mga trader mismo. Dahil isa itong over-the-counter (OTC) market, sine-set ng mga buyer at seller ang kanilang mga quote at nila-lock in ang mga price at liquidity nang advance.

9. Paano kung hindi na-list ang token o na-delay ito?


Kung na-delay o na-cancel ang listing ng token, ia-adjust ng Pre-Market ang mga operation nito nang naaayon. Mag-refer sa aming mga guideline sa "Na-delay o Na-cancel ang Bagong Token" para sa mga detalyadong procedure.

10. Paano dine-determine ang mga collateral rate?


Nak-set ang mga collateral rate para matiyak ang security ng mga trade sa Pre-Market. Maaaring nakabatay ito sa iba’t ibang factor, kabilang ang perceived risk at volatility ng token.

11. Mas risky ba ang Pre-Market trading kaysa sa regular trading?


Tulad ng lahat ng trading, may mga potensyal na risk pa rin. Gayunpaman, ang Pre-Market ay may sariling set ng mga risk at reward. Tiyaking naiintindihan mo ang terms, lalo na tungkol sa mga delivery time at collateral, bago ka magsimulang mag-trade.

12. Nakakaapekto ba ang mga Pre-Market trade sa initial listing price ng token sa KuCoin?


Bagama’t nire-reflect ng mga Pre-Market trade ang mga market expectation, maaaring maimpluwensyahan ng mas malalawak na set ng mga factor ang official listing price. Importanteng i-note na parehong dine-determine ng market ang Pre-Market at listing prices. Maaaring hindi kinakailangang magkaroon ng direktang correlation sa pagitan ng dalawang price.

13. Paano naiiba ang Pre-Market sa KuCoin futures?


Sa kasalukuyan, ang Pre-Market sa KuCoin ay pangunahing idinisenyo para sa over-the-counter (OTC) trading ng mga token bago official na ma-list ang mga ito. Ang ganitong katangian ng OTC ay nangangahulugan na hindi tuloy-tuloy ang trading, hindi katulad sa futures. Gayundin, hindi tulad ng futures, kung saan magba-buy ka ng contract batay sa futures prices, sa Pre-Market naman, direkta mong tine-trade ang mga token mismo at dine-deliver pagkatapos ng listing.

14. Paano kina-calculate ang fees sa Pre-Market, at iba ba ang mga ito sa regular na fees sa KuCoin?


Ang fees sa Pre-Market ay karaniwang 2.5% ng total traded amount, pero maaaring mag-vary ang mga ito batay sa token. Naiiba ang fees na ito sa main market fees ng KuCoin.

15. Puwede ba akong gumamit ng leverage sa Pre-Market?


Sa kasalukuyan, hindi supported ng Pre-Market ang leveraged trading. Kakailanganin mong magkaroon ng full amount ng funds o tokens na gusto mong i-trade.

16. Mayroon bang anumang restriction na partikular sa bansa para sa Pre-Market trading?


Ang Pre-Market trading ay sumusunod sa mga parehong restriction na partikular sa bansa gaya ng regular na KuCoin trading. Palaging tiyakin na nakumpleto mo ang Identity Verification (KYC) at sumusunod ka sa iyong mga local regulation.

17. Ano’ng mangyayari kapag may system outage habang isinasagawa ang Pre-Market trading?


Ang KuCoin ay may robust infrastructure na nakalaan para pangasiwaan ang mga ganitong scenario. Kapag may naganap na pambihirang outage, magbibigay ang platform ng gabay kung paano ima-manage ang mga apektadong trade.

18. Anonymous ba ang mga Pre-Market trade?


Tulad ng ibang mga trade sa KuCoin, ang mga Pre-Market trade ay idinisenyo para protektahan ang privacy ng mga user. Ang mga detalye lang ng order ang makikita ng ibang mga user, at hindi ang mga personal mong detalye.