Announcement ng Lifeform (LFT) Token Sale sa KuCoin Spotlight
Ilo-launch ng KuCoin ang 27th Spotlight Token Sale kasama ang Lifeform (LFT). Io-operate ang LFT token sale sa ilalim ng Hold & Gain Lottery Tickets format.
Mga Detalye ng Spotlight Token Sale:
- Hard Cap ng Spotlight: 150,000 USDT
- Allocation ng Spotlight: 5,000,000 LFT
- Total Winning Tickets: 3,000 Tickets
- Maximum na Winning Tickets Kada User: 1 Ticket
- Allocation ng Token para sa Bawat Winning Ticket: 1,666.66 LFT
- Spotlight Token Sale Price: 1 LFT = 0.03 USDT
- Price Ratio ng Token Sale: Ia-announce sa araw ng Token Sale ang actual price ratio ng KCS
- Format ng Token Sale: Mag-hold at Makakuha ng Lottery Tickets
- Plan sa Distribution ng Token ng Spotlight: 100% vesting sa TGE
Paano Mag-participate: (Magiging online sa ika-6 ng Mayo ang page ng subscription)
Mula 18:00 sa Mayo 6, 2024 hanggang 00:00 sa Mayo 13, 2024 (UTC+8), random na kukuha ang KuCoin ng hourly snapshots ng USDT at KCS total balances ng users. Ang hourly average USD-denominated Net Asset Value (NAV) ng USDT at KCS ang magde-determine sa final number ng lottery tickets na maaaring matanggap ng bawat user. Pipiliin ang winners sa pamamagitan ng lottery draw pagkatapos ng subscription period.
Sa Spotlight event na ito, mag-a-assign ang KuCoin ng coefficient sa bawat currency para ma-determine ang value nito.
Currency | Coefficient | Epekto |
USDT | 1 | Hindi magbabago ang value |
KCS | 1.5 | Mag-i-increase ang value nang 50% kumpara sa base value nito |
(Halimbawa: ang iyong daily average KCS holdings base value ay 400 USD. Kapag in-apply ang aming calculation coefficient na 1.5, ang actual value para sa event na ito ay iko-consider bilang 600 USD. Sa pagkakataong ito, makakatanggap ka ng 2 tickets batay sa rules sa distribution ng ticket.)
Para maging eligible sa participation, required ang users ba magkaroon ng daily average USD-denominated Net Asset Value (NAV) na hindi bababa sa 50 USD. Kung mas maraming holding ang user, mas marami ring ticket ang matatanggap niya.
Narito ang detalyadong rules:
Holding | Ticket |
≥50 USD, <500 USD | 1 |
≥500 USD,<1,000 USD | 2 |
≥1,000 USD,<2,000 USD | 3 |
≥2,000 USD,<3,000 USD | 4 |
≥3,000 USD,<4,000 USD | 5 |
≥4,000 USD,<5,000 USD | 6 |
≥5,000 USD,<6,000 USD | 7 |
≥6,000 USD,<7,000 USD | 8 |
≥7,000 USD,<8,000 USD | 9 |
≥8,000 USD,<9,000 USD | 10 |
≥9,000 USD,<10,000 USD | 11 |
≥10,000 USD | 15 |
(*Hindi puwedeng mag-participate sa Token Sale ang Sub-accounts bilang independent accounts. Gayunpaman, ang tokens na hino-hold sa Sub-accounts ay iko-combine sa token holdings sa Master account para i-calculate ang Average Daily Holdings.)
⏰ Timeline ng Token Sale sa KuCoin Spotlight
Subscription Period: 18:00 sa Mayo 6, 2024 hanggang 00:00 sa Mayo 13, 2024 (UTC+8)
Sa period na ito, ang holdings ng users ay ika-calculate sa hourly snapshots sa bawat araw.
Ticket Calculation Period: 00:00 sa Mayo 13, 2024 hanggang 18:00 sa Mayo 13, 2024 (UTC+8)
Ang iyong final ticket allocation ay ipapakita sa page ng token sale kasunod ng conclusion ng calculation period na ito.
Announcement ng Ticket: 18:00 sa Mayo 13, 2024 (UTC+8)
Paki-check ang iyong tickets sa page ng Spotlight.
Resulta ng Draw ng Lottery Ticket: 18:00 sa Mayo 14, 2024 (UTC+8)
Paki-check kung nanalo ka sa lottery draw sa page ng Spotlight.
Distribution ng Token: 16:00 hanggang 19:00 sa Mayo 15, 2024 (UTC+8)
Ide-deduct ng KuCoin ang corresponding na amount ng KCS mula sa Trading Account ng mga qualified na user at idi-distribute ang corresponding na amount ng LFT. Kung successful ang deduction, idi-distribute kaagad ang LFT sa Funding Account ng mga user. Pakisiguradong may sapat kang KCS sa Trading account mo dahil mawawala ang iyong eligibility na mag-purchase sa Spotlight kung kulang ito.
Para sa lahat ng winner sa lottery, lubos naming inirerekomenda na mag-deposit ng hindi bababa sa 10 KCS sa inyong TRADING ACCOUNT sa distribution period ng LFT token.
Para mag-participate sa Spotlight event, pakitiyak na natutugunan ng iyong account ang sumusunod na criteria:
- Kumpletuhin ang iyong KYC verification bago sumapit ang 00:00 sa Mayo 13, 2024 (UTC+8). Ang mga user na hindi nakapasa sa kanilang KYC verification ay hindi magiging eligible para sa subscription sa Spotlight event. (I-submit ang iyong identity verification nang hindi bababa sa 6-8 hours bago mag-close ang subscription period.)
- Hindi supported para sa token purchase ang mga user mula sa mga sumusunod na bansa/lugar: Australia, Austria, Bosnia and Herzegovina, Burkina Faso, Canada, Central African Republic, Cuba, Democratic People's Republic of Korea, France, Haiti, Hong Kong, Iran, Jamaica, Kenya, Lebanon, Lybia, Malaysia, Mali, Myanmar, Namibia, Nigeria, People's Republic of China, Singapore, Somalia, South Sudan, Sudan, Syria, Thailand, United Kingdom, United States of America (kabilang ang lahat ng US territory), Uzbekistan, Venezuela.
- Pinirmahan ang Kasunduan sa Pag-purchase.
- Pagkatapos kumpletuhin ang mga step sa itaas, siguraduhing i-click ang button na ‘Mag-register’ sa page ng Spotlight.
Alamin pa ang Tungkol sa Lifeform (LFT)
Ang Lifeform ay isang pioneering provider ng decentralized digital identity solutions. Ine-empower nito ang mga individual na i-navigate ang digital realm nang secure at seamless. May vision ng inclusivity, nilalayon ng Lifeform na ma-facilitate ang integration ng susunod na billion users sa web3 revolution.
Mga Link sa Lifeform (LFT) Project:
Website: https://lifeform.cc/
Twitter: https://twitter.com/lifeformcc
Discord: https://discord.com/invite/lifeform-cc
WhitePaper: i-click para i-view
Paki-note:
1. Nakalaan sa KuCoin ang karapatang i-disqualify at i-revoke ang mga ticket ng mga participant na nagsasagawa ng mga hindi tapat o mapang-abusong activity sa duration ng activity na ito. Kabilang dito ang mga bulk-account registration para mag-farm ng mga karagdagang reward at anumang iba pang activity na may kaugnayan sa mga layuning labag sa batas, mapanlinlang, o nakakapinsala.
2. Dapat na mahigpit na sumunod ang lahat ng participant sa Terms ng Paggamit ng KuCoin at sa Terms ng Paggamit ng KuCoin Spotlight.
3. Nakalaan sa KuCoin ang karapatan sa final interpretation ng Spotlight Program.
4. Kapag nagkaroon ng anumang pagkakaiba sa pagitan ng translated na version at ng original na English version, mangingibabaw ang English version.
5. Hindi nauugnay sa Apple Inc. ang activity na ito.
Babala sa Risk: Ang Spotlight ay isang high-risk investment channel. Dapat na maging sensible ang mga investor sa kanilang pag-participate, at alam din dapat nila ang mga risk sa investment. Hindi mananagot ang KuCoin para sa mga gain o loss sa investment ng mga user. Ang information na ibinibigay namin ay para sa mga user upang magsagawa rin sila ng kanilang sariling research. Nakalaan sa KuCoin ang karapatan sa final interpretation ng activity.
Salamat sa iyong suporta!
Ang KuCoin Team
Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!