Ire-rename ng KuCoin ang ETH2 at Gagawing ksETH!

Ire-rename ng KuCoin ang ETH2 at Gagawing ksETH!

07/14/2023, 10:53:06

Dear KuCoin Users,

Nasasabik kaming i-announce na babaguhin ng KuCoin ang name ng ETH staking asset namin. Pagkatapos ng mga upgrade sa Ethereum, nag-shift ang Ethereum mula sa POW (proof-of-work) patungo sa POS (proof-of-stake). Para makapagbigay ng mas accurate na description, ang ETH2 sa KuCoin platform ay ire-rename at gagawing "ksETH".

Karaniwang ginagamit ang term na "Eth2" para ilarawan ang hinaharap ng Ethereum bago ang pag-switch sa proof-of-stake, pero na-phase out na ito at pinalitan ng mas precise na terminology.

Ano ang ksETH?

Ang ksETH ay isang type ng proof of stake na issued ng KuCoin. Kapag may ganitong token ang mga user, puwede silang makakuha ng staking rewards at magkakaroon din sila ng access sa iba’t ibang benefit sa Ethereum mainnet. Makaka-receive ng equal amount ng ksETH ang mga users na nag-stake ng ETH sa pamamagitan ng KuCoin Earn. Puwedeng i-deposit ang ksETH sa iyong Funding Account o Trading Account, at maaaring gamitin para sa trading anuman ang period ng redemption para mabilis na makakuha ng ETH.

Narito ang update sa mga kaugnay na produkto:

  1. Spot Trading
    Ni-rename ang ETH2/ETH trading pair at ginawang ksETH/ETH.
  2. ETH Staking Product
    Papalitan ng ksETH ang lahat ng reference sa ETH2.

Magiging epektibo ang pagbabago sa name ng produkto mula ngayon. Gusto naming samantalahin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa inyong patuloy na suporta.


Paano mag-participate sa ETH staking:

Puwedeng mag-participate ang mga user sa pag-stake ng kanilang ETH sa pamamagitan ng pag-visit sa page ng ETH Staking para makakuha ng 4.2% APR!

Mga note tungkol sa ETH staking:

  1. Kapag nag-submit na ng withdrawal request, hindi na ito puwedeng i-cancel.
  2. Maaaring tumagal nang hindi bababa sa 5 araw ang initial na redemption process. Ang processing time para sa staking withdrawal requests ay depende sa withdrawal demand ng ETH stakers at ng Ethereum network.
  3. Pagkatapos maproseso ang withdrawal request, ibabalik sa savings account ng user ang ETH na ginamit para sa ETH staking.
  4. Ang users na hindi nag-initiate ng withdrawal request ay makakatanggap pa rin ng ksETH staking rewards at hindi maaapektuhan ng feature na ito.
  5. Para sa anumang katanungan, huwag mahihiyang kontakin ang customer support team namin.

Babala sa Risk:

Ang KuCoin Earn ay isang risk investment channel. Dapat na maging sensible ang mga investor sa kanilang pag-participate, at alam din dapat nila ang mga risk sa investment. Hindi mananagot ang KuCoin Group para sa mga gain o loss sa investment ng mga user. Ang impormasyong ibinibigay namin ay para sa mga user upang magsagawa rin sila ng kanilang sariling research. Hindi ito advice sa investment. Nakalaan sa KuCoin Group ang karapatan sa huling interpretation ng activity. Walang pananagutan ang KuCoin para sa anumang loss ng mga asset na dulot ng sariling mga desisyon sa investment ng user o mga nauugnay na gawi, at dapat na akuin ng user ang buong responsibilidad.

Salamat sa inyong suporta!

Ang KuCoin Earn Team


Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!

I-download ang KuCoin App >>>

I-follow kami sa Twitter >>>

Samahan kami sa Telegram >>>

Sumali sa KuCoin Global Communities >>>