Ni-launch na ng KuCoin ang GemVote: Isang Innovative na Approach para I-support ang mga Crypto Gem Listing
Dear KuCoin User,
Excited kaming ipakilala ang aming bagong produkto na GemVote, kung saan maaaring suportahan ng mga user ang kanilang mga paboritong project at tulungang ma-list sa KuCoin ang mga ito.
I-check ang landing page ng GemVote: https://www.kucoin.com/gemvote
Paano gumagana ang KuCoin GemVote?
Ang mga user na nagho-hold ng mga voting ticket ay eligible na mag-nominate ng mga project na sinusuportahan nila. Puwedeng gamitin ng mga user ang kanilang mga voting ticket para i-vote ang mga paborito nilang project sa voting period. Ang project na may pinakamataas na number ng mga vote ay magkakaroon ng pinakamataas na chance na ma-list sa Spot Market kapag makapasa ito sa comprehensive review ng KuCoin.
Ganito ang proseso:
1. Mag-collect ng mga Voting Ticket: Para mag-nominate ng project, kailangan mo munang makakuha ng sapat na voting tickets. Ang specific number ng votes na required ay maaaring mag-vary at dapat i-check sa page ng GemVote.
2. I-submit ang mga Detalye: Kapag nakakuha ka na ng sapat na voting tickets, pumunta sa page ng GemVote sa KuCoin platform. Dito, kakailanganin mong i-submit ang key details ng project na nais mong i-nominate. Narito ang karaniwang kasama sa mga detalyeng ito:
- Project Name
- Token Ticker
- Smart Contract Address
- Official Website
3. Initial Review: Pagkatapos i-submit ang mga detalye ng project, sasailalim ang mga ito sa proseso ng initial review ng KuCoin. Sa stage na ito, tinitiyak ng KuCoin na nakakatugon ang nominated project sa lahat ng necessary na criteria at standards ng KuCoin.
4. Confirmation: Kung pumasa sa initial review ang iyong nomination, iko-confirm ito, at ang iyong paboritong project ay official na mano-nominate para sa listing sa KuCoin. (Pakitandaan na isang beses lang puwedeng i-nominate ang bawat project.)
5. Pag-cast ng mga Vote: Kung na-nominate na para sa listing sa KuCoin ang paborito mong project, puwede mo nang i-visit ang page ng GemVote para i-cast ang iyong vote bilang suporta rito.
6. Mga Requirement sa Nomination: Mahalagang i-note na sa kasalukuyan, ang tinatanggap ng KuCoin ay mga project nomination para sa mga specific na network at token standard lang. Kabilang dito ang: ETH-ERC20, KCC-ERC20, ARB-ERC20, AVAXC-ERC20, MATIC-ERC20, SOL-SPL, BSC-BEP20, and OP-ERC20.
Para i-summarize, ang lahat ng nominated project ay sasailalim sa official na due diligence review ng KuCoin. Kapag na-approve na, uusad ang project sa voting stage at puwede nang gamitin ng mga user ang kanilang mga voting ticket para suportahan ang isa o maraming project na gusto nila, pero tandaan na may minimum na 1 ticket kada project. Mag-refer sa specific na voting page para sa information sa maximum number ng mga vote na pinapayagan.
Paano Ako Makakakuha ng mga Ticket?
Puwede kang mag-earn ng mga vote sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga GemVote task na ipinapakita sa landing page ng GemVote, tulad ng pag-invite ng mga bagong user, pag-hold ng KCS, pagkumpleto ng iyong KYC verification, pag-deposit at pag-trade ng mga token, at iba pa.
Paano Made-determine ang Selection ng mga Winning Project?
Ang project na may pinakamataas na number ng mga vote ang mananalo. Ang native token ng mga winning project ay ili-list sa KuCoin Spot Market pagkatapos ng comprehensive review ng KuCoin team.
Kapag maraming project ang nakatanggap ng parehong pinakamataas na number ng mga vote, ituturing na mga winning project ang lahat ng project. Kaya naman, maaaring i-support ng KuCoin ang multiple tokens na naka-list para sa bawat voting campaign session.
Kailan Ili-list ng KuCoin ang mga Winning Project?
Magsasagawa ang KuCoin ng final review ng mga winning project, na maaaring makumpleto nang humigit-kumulang 7 working days. Pakiabangan ang official listing announcement.
Mga Note:
- Ang mga sub-account ay hindi supported na mag-participate sa GemVote activity;
- Ang lahat ng project ay hindi dapat kasangkot sa mga ilegal na business o activity operation;
- Nakalaan sa KuCoin ang karapatan sa anumang oras sa sarili at ganap nitong pagpapasya na tukuyin at/o amyendahan o baguhin ang Mga Tuntunin ng Activity na ito nang walang paunang abiso, kabilang ang, pero hindi limitado sa pag-cancel, pag-extend, pag-terminate, o pag-suspend sa Activity na ito, mga tuntunin at pamantayan nito sa eligibility, pagpili at number ng mga winner, at timing ng anumang pagkilos na gagawin, at mapapasailalim sa mga amyendang ito ang lahat ng user;
- Kapag nagkaroon ng anumang pagkakaiba sa pagitan ng na-translate na version at ng original na English version, mananaig ang English version.
Nagpapasalamat,
Ang KuCoin Team
Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!
Mag-sign up sa KuCoin ngayon! >>>