Naka-list na sa KuCoin ang PayPal USD (PYUSD)!
Dear KuCoin User,
Lubos na ipinagmamalaking i-announce ng KuCoin ang isa na namang mahusay na project na darating sa spot trading platform namin. Ang PayPal USD (PYUSD), na isang stable coin, ay magiging available sa KuCoin!
Paki-note ang sumusunod na schedule:
- Mga Deposit: Effective Kaagad (Supported na Network: ERC20)
- Trading: 10:00 sa Setyembre 21, 2023 (UTC)
- Withdrawal: 10:00 sa Setyembre 22, 2023 (UTC)
- Trading Pair: PYUSD/USDT
Ano ang PayPal USD?
Ang PayPal USD ay idinisenyo para mag-contribute sa pagkakataong inaalok ng stablecoins para sa payments, at ito ay 100% na sinusuportahan ng U.S. dollar deposits, short-term U.S Treasuries, at katulad na cash equivalents. Nare-redeem ang PayPal USD nang 1:1 para sa U.S. dollars, at Paxos Trust Company ang nag-issue nito.
Alamin pa ang Tungkol sa PayPal USD:
Website: https://www.paypal.com/pyusd
Twitter: https://twitter.com/PayPal
Token Contract: ERC20
Babala sa Risk: Ang pag-invest sa cryptocurrency ay katulad ng pagiging isang venture capital investor. Available ang cryptocurrency market sa buong mundo nang 24x7 para sa trading nang walang oras ng pag-close o pag-open ng market. Pakiusap, gumawa ng sarili mong risk assessment kapag nagpapasya kung paano mag-invest sa cryptocurrency at blockchain technology. Sinusubukan ng KuCoin na i-screen ang lahat ng token bago dumating sa market ang mga ito. Gayunpaman, kahit na magsagawa ng pinakamahusay na due diligence, may mga risk pa rin kapag nag-i-invest. Hindi mananagot ang KuCoin para sa mga gain o loss sa investment.
Nagpapasalamat,
Ang KuCoin Team
Hanapin ang Susunod na Crypto Gem sa KuCoin!