Dual Investment

Mag-buy low at mag-sell high nang may transparent na calculations ng return.

videoIconProduct Info
FAQ
Mga Asset (USDT)
giftSvg
Bonus Center
***
***
Profit Kahapon (USDT)
***
Total Profit (USDT)
***
Log In

Comparison ng Mode

ClassicBoosterExtra
Exercise PriceTarget PriceTarget PriceProtection Price (kung mas mataas kaysa sa Target Price)
Mga Ginamit na OptionPrincipal + Profit mula sa pag-exercise ng mga option (mga coin na kinonvert sa target price)Principal, walang karagdagang profit (mga coin na kinonvert sa target price)Principal + Profit mula sa pag-exercise ng mga option (mga coin na kinonvert sa target price)
Walang OptionPrincipal + ProfitPrincipal + Enhanced Principal ReturnsPrincipal + Profit

FAQ

1. Ano ang KuCoin Dual Investment?

Ang KuCoin Dual Investment ay isang type ng non-guaranteed high-yield structured financial product. Fixed sa oras ng pagbili ang APR at settlement date para sa isang produkto. Gayunpaman, ang settlement coin type ay tutukuyin batay sa paghahambing ng target price at settlement price sa settlement ng produkto.
Dalawang type ng coin ang puwedeng gamitin para sa pag-purchase ng parehong underlying asset. Halimbawa, para sa BTC, puwede mong gamitin ang BTC mismo o USDT.

2. Bakit naka-categorize ang KuCoin Dual Investment bilang isang non-principal-protected na produkto ng KuCoin Earn?

Ang KuCoin Dual Investment ay isang non-principal-protected product na ang pangunahing source ng risk ay nagmumula sa mga potensyal na pagbabago sa mga market price. Kapag volatile ang mga market, maaaring mahirap na i-predict kung magkano ang maaaring maging pagkakaiba ng market price at ng target price. Bago mag-subscribe, tiyaking nauunawaan mo ang produkto at alam mo ang mga potensyal na risk.

Halimbawa: Nag-invest si User A ng 1 BTC sa isang produkto ng KuCoin Dual Investment nang may target price na 20,000 USDT, APR na 300%, at term na 14 na araw. Kapag nag-mature ang produkto, makakatanggap si User A ng: Kung ≥ 20,000 USDT ang BTC/USDT settlement price, USDT ang gagamitin para sa settlement at payment, kung saan ang payment amount = 1 * (1 + 300% * 14/365) * 20,000 = 22,301 USDT. Kung nag-rise sa 23,000 USDT ang BTC/USDT price, ang value ng 1 BTC ni User A ay magiging 23,000 USDT (kung hindi naka-subscribe si User A sa isang produkto ng KuCoin Dual Investment), samantalang mayroon na lang 22,301 USDT si User A. Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay ang hidden loss, na magiging 699 USDT.

3. Paano kina-calculate ang mga profit ko?

1) Kung BTC (o ETH) ang na-invest, ang settlement coin at settlement amount ay tutukuyin ayon sa sumusunod:

Sitwasyon
Settlement Amount
Settlement Coin
Settlement price < Target price(Investment amount)*(1+APR)BTC (o ETH)
Settlement price ≥ Target price (Exercise)(Investment amount)*(Target Price)*(1+APR)USDT

Halimbawa, kung sakaling 40,000 ang target price ng isang BTC product, 5% ang APR, at naglagay ng 1 BTC ang user, sa gayon, kapag nag-settle ang produkto, makakatanggap ang user ng

Kung < 40,000 ang BTC settlement price, makakatanggap ang user ng 1*(1+5%) = 1.05 BTC.

Kung ≥ 40,000 ang BTC settlement price, makakatanggap ang user ng 1*40,000*(1+5%) = 42,000 USDT.

2) Kung USDT ang na-invest, ganito ide-determine ang settlement coin at settlement amount:

Sitwasyon
Settlement Amount
Settlement Coin
Settlement price > Target price(Investment amount)*(1+APR)USDT
Settlement price ≤ Target price (Exercise)Investment amount/Target price*(1+APR)BTC (o ETH)

Halimbawa: kung 40,000 ang target price para sa BTC-USDT product, 5% ang APR, at naglagay ang user ng 50,000 USDT, at kapag nag-settle na ang produkto, makakatanggap ang user ng:

Kung > 40,000 ang BTC settlement price, makakatanggap ang user ng 50,000*(1+5%) = 52,500 USDT.

Kung ≤ 40,000 ang BTC settlement price, makakatanggap ang user ng 50,000/40,000*(1+5%) = 1.3125 BTC.

Tulad ng nakikita sa halimbawa sa itaas, ang settlement coin ay maaaring hindi ang coin na orihinal na binili.

Settlement Price: Ang average index price sa pagitan ng 07:30 - 08:00 (UTC) sa araw ng settlement.

4. Mga Term

  • Investment Coin:Ang cryptocurrency na ginamit para i-buy ang produkto ng KuCoin Dual Investment.
  • Target Coin:Ang coin na ginagamit para sa mga pag-calculate ng presyo kapag nag-buy ka ng mga produkto ng KuCoin Dual Investment. Halimbawa, parehong BTC ang target coin para sa BTC at BTC-USDT Dual Investment products.
  • Settlement Coin:Ang cryptocurrency na natanggap sa oras ng settlement. Dine-determine ang settlement coin na ito sa pamamagitan ng paghahambing ng settlement price ng target coin sa target price.
  • Target Price:Ihahambing ang target price sa settlement price sa oras ng settlement para matukoy ang cryptocurrency na gagamitin para sa final settlement. Kapag na-confirm na ng user ang pagbili ng produkto, ang target price ay ila-lock in at hindi magbabago sa buong duration ng produkto.
  • Settlement Price:Nade-determine ang settlement price sa pamamagitan ng pag-average ng BTC o ETH index prices sa pagitan ng 07:30 - 08:00 (UTC).
  • Settlement Date:Ang product settlement date ay ang maturity date din. Sa settlement date, automatic na iki-credit ang mga profit mo sa iyong Funding Account.
  • APR:Ginagamit ito para i-calculate ang annual percentage rate ng produkto. Ang APR ay constant na nagfa-fluctuate at pangunahing tinutukoy ng target price, natitirang oras sa product settlement, at price volatility. Kapag may na-confirm nang KuCoin Dual Investment order, ila-lock ang APR at mananatiling fixed sa buong term ng order.
  • Term:Ang period na nag-uumpisa sa oras kung kailan nagsimulang mag-accrue ang interest para sa produkto hanggang sa oras kung kailan nag-settle ang produkto. Magsisimulang mag-accrue ang interest sa oras pagkatapos i-submit ang order.

5. Oras ng Settlement

Automatic na ise-settle at iki-credit sa iyong Funding Account ang mga return mo bago sumapit ang 10:00 (UTC) sa settlement date. Maaaring maantala ang actual time kung kailan magiging available ang funds dahil sa mga issue sa settlement. Hindi lalampas sa 24 na oras ang anumang pagkaantala. Nagpapasalamat kami sa iyong pasensya.

6. Bakit may malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga APR ng iba't ibang produkto ng KuCoin Dual Investment?

Para matugunan ang mga pangangailangan ng iba't ibang user na may iba-ibang preference sa investment at level ng risk tolerance, nagpo-provide kami ng hanay ng mga produktong may iba't ibang target price at APR. Sa pangkalahatan, kapag mas mataas ang APR, mas malapit ang target price sa current price, at mas mataas ang uncertainty na may kinalaman sa settlement coin type at settlement price sa settlement date. Samakatuwid, puwedeng pumili ang mga investor ng produktong may angkop na target price at APR batay sa kanilang mga preference sa investment at level ng risk tolerance.

7. Pagkatapos mag-subscribe, puwede ba akong mag-cancel o mag-redeem nang maaga (bago ang settlement date)?

Pagkatapos mag-subscribe, hindi ka puwedeng mag-cancel o mag-redeem bago ang settlement date. Pakibasang mabuti ang impormasyon ng produkto at subscription bago mag-subscribe.

8. Saan ko puwedeng i-view ang history ng subscription ko?

Para i-view ang mga produkto ng Shark Fin kung saan ka kasalukuyang naka-subscribe o ang mga nag-mature na kasama ang mga detalye ng mga ito, i-access lang ang iyong Financial Account.