Ethereum 2.0 Upgrade

I-explore ang Ethereum 2.0, ang revolutionary upgrade na itinakda para ma-enhance ang scalability, security, at sustainability. Mag-dive in sa mundo ng Ethereum staking at sharding, at i-discover kung paano ise-shape ng milestones na ito ang future ng DeFi, NFTs, web3, at higit pa.
Ibahagi

Ano ang Ethereum 2.0?

Ang Ethereum 2.0 ay isa sa pinakamahahalagang upgrade sa Ethereum blockchain. Kilala rin bilang ETH 2.0 o Serenity, nilalayon ng upgrade na ito na i-enhance ang scalability, security, at sustainability ng Ethereum network. Nagma-mark ito ng pag-shift mula sa current na proof-of-work (PoW) consensus mechanism patungo sa proof-of-stake (PoS), na significant na magre-reduce ng energy consumption at mag-i-improve ng mga speed ng transaction.

Kayang i-support ng Ethereum 2.0 ang hanggang 100,000 transactions per second (TPS). Isa itong malaking pagtaas mula sa current rate na humigit-kumulang 20 TPS. Dahil dito, ito ay mas lalo pang naging secure, decentralized, at nakakahimok na gamitin, kaya mag-i-increase din ang value ng Ethereum bilang investment.

Pero hindi lang 'yun! Kapag nakumpleto na ang Ethereum 2.0, gagawin nitong higit na scalable, efficient, at cost-effective ang Ethereum blockchain. Nangangailangan ng oras ang pagbuo ng magagandang bagay, kaya naman, hinati-hati ng Ethereum Foundation ang significant na evolution na ito sa maraming phase, kung saan magpapatupad ng malaking pagbabago sa Ethereum blockchain ang bawat isa.

Ethereum Live Price

Ethereum 2.0 Roadmap: Mga Key Milestone

image

Kasunod ng rollout ng Beacon Chain, isinagawa ng Ethereum 2.0 ang much-anticipated na debut nito noong Disyembre 2020. Iisa-isahin natin dito ang mahahalagang milestone na nagma-mark sa quest ng Ethereum para sa full decentralization.

  • 1
    Beacon ChainNi-launch noong Disyembre 2020, ipinakilala ng Beacon Chain ang PoS consensus mechanism sa Ethereum. Nagra-run ito nang parallel sa existing na mainnet, at naglalatag ng groundwork para sa mga pag-upgrade sa hinaharap.
  • 2
    The MergeAng The Merge ay isang landmark event noong Setyembre 2022. Minarkahan nito ang integration ng Beacon Chain sa mainnet ng Ethereum, kung saan nag-transition ang network mula sa proof-of-work patungo sa proof-of-stake. Isang critical na step ang evolution na ito sa pag-improve ng efficiency at scalability ng network.
  • 3
    Ethereum Shanghai/Capella UpgradePagkatapos ng The Merge, ang sumunod na significant na milestone ng Ethereum ay ang Shanghai/Capella upgrade noong Abril 2023. Ang upgrade na ito ay lubos na nagpahusay sa mga capability ng network nito, lalo na ang ability na mag-withdraw ng staked ETH. Minarkahan ng function na ito ang isang key step para gawing mas accessible ang Ethereum staking sa mas malawak na crypto community.
  • 4
    Ethereum Cancun-Deneb (Dencun) UpgradeInaasahan sa huling bahagi ng 2023 o unang bahagi ng 2024, ang Ethereum Dencun upgrade ay nakatakdang magdala ng mga improvement sa scalability at bagong feature, at nakabatay ito sa progress na ginawa ng mga nakaraang update. Ang isang key component ng upgrade na ito ay ang EIP-4844, na mag-i-introduce ng 'blobs'—isang bagong type ng transaction sa Ethereum network. Nilalayon ng development na ito na drastic na i-reduce ang gas fees nang 10 hanggang 100 times, nang may karagdagang scalability.
  • 5
    DankshardingAng Danksharding ay isang proposed na scalability solution para drastic na ma-improve ang transaction capacity ng network at ma-reduce ang mga fee. Kapag ganap na ipinatupad, mapapataas ng Danksharding ang proto-danksharding throughput ng Ethereum na mula 100-10,000 TPS ay magiging 100,000 TPS.
Paano Mag-buy ng Ethereum

Ethereum Proof-of-Stake vs. Ethereum Proof-of-Work

Ang transition ng Ethereum mula sa proof-of-work (PoW) patungo sa proof-of-stake (PoS) ay isang significant na milestone sa roadmap nito. Ang transition ay bahagi ng ongoing na evolution at mga effort ng Ethereum para gawing mas sustainable, secure, at scalable ang network. Narito ang mga key difference sa pagitan ng PoW at PoS:

Ethereum Proof-of-Work (PoW)Ethereum Proof-of-Stake (PoS)
Consensus MechanismNagso-solve ang miners ng complex na mathematical problems para mag-validate ng transactions at mag-create ng bagong blocks. Puwedeng mag-stake ng hindi bababa sa 32 ETH ang sinuman para maging isang validator at mag-earn ng rewards sa pamamagitan ng pag-validate ng transactions sa network.
Energy ConsumptionRequired para sa pag-mine ng blocks ang high computational power.Tinatanggal ang pangangailangan para sa energy-intensive na pag-mine.
ScalabilityLimited scalability na nagre-require ng mas mabagal na block times na 10-20 seconds at energy-intensive na equipment. Pinahusay na scalability mula sa mas mabilis na block validations na 12 seconds, na kinombine sa sharding technology.
Network SecurityRisk ng 51% attack kung magawang i-control ng bad actors ang higit sa 50% ng mining hashrate.Ini-stake ng validators ang funds bilang collateral, at mari-risk sa pagharap sa losses kung negatibong nakakaapekto ang mga ito sa stability ng network.
DecentralizationNananatili ang risk ng centralization dahil sa mataas na halaga ng mining equipment at electricity.Posibleng mas decentralized dahil sa mas mababang entry barrier sa participation sa network.
Gas FeesTumaas ang gas fees nang hanggang daan-daang dolyar noong 2020.Maaaring ma-reduce ang transaction fees nang 10 hanggang 100 times.

Ethereum Proof-of-Work (PoW)

PairPresyo
1h
4h
24h
24h High/Low
ETH/USDT
3,688.32
/
$3,685.74
-4.72%
3,907.44
/
3,542.29
Trading

Pagsisimula sa Ethereum 2.0 sa KuCoin

Lumahok sa Ethereum 2.0 gamit ang mga gabay ng eksperto mula sa KuCoin. Makakuha ng comprehensive picture ng bawat building block sa Ethereum 2.0 Roadmap.

Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Ethereum MergeLahat ng tungkol sa transition ng Ethereum blockchain mula sa PoW consensus patungo sa PoS, kasunod ng pag-merge ng Beacon Chain sa Ethereum mainnet.
Ang Ethereum PoW (ETHW) Hard Fork: Ano ang Aasahan mula sa ETHW at Higit paIsang deep dive sa Ethereum PoW (ETHW), ang bagong token na created mula sa hard fork na nagre-retain sa original na PoW consensus mechanism ng Ethereum.
Ano ang Ethereum Shanghai Upgrade? Lahat ng Kailangan Mong MalamanAng significance ng Shanghai upgrade, na nagbibigay-daan sa mga staker at validator na i-unlock ang kanilang staked ETH mula sa Beacon Chain.
Top Liquid Staking Protocols sa Ethereum Bago ang Shanghai UpgradeIsang pagtingin sa pinakamahuhusay na Ethereum liquid staking protocol, kung saan puwede mong i-stake ang ETH nang hindi inila-lock ang iyong liquidity.
Ethereum 2.0 Roadmap: Ano ang Susunod Pagkatapos ng Shanghai Upgrade?Isang recap ng mga key milestone sa path ng Ethereum patungo sa ETH 2.0, kasama ang Shanghai upgrade at kung ano ang hatid ng Danksharding.
Ethereum Cancun Upgrade: Ano ang Maaasahan Natin mula sa Proto-Danksharding?Isang pagtingin sa paparating na Ethereum Cancun-Deneb upgrade at kung paano ito makakaapekto sa scalability, security, at liquid staking activities ng Ethereum.
Paliwanag sa Danksharding: Lahat ng Tungkol sa Sharding sa Ethereum 2.0Ang ultimate goal ng Ethereum 2.0 sa pag-address ng mga issue sa scalability. Ang danksharding ay ang approach ng Ethereum sa sharding. Dini-divide nito ang network sa mga parallel chain para sa mas mabilis na pagproseso ng transaction.

FAQ

Paano Naiiba ang Ethereum 2.0 sa Ethereum 1.0?

Ang mga key upgrade sa Ethereum 2.0 ay nagta-transition sa network mula sa proof-of-work (PoW) patungo sa proof-of-stake (PoS), at drastic nitong nire-reduce ang energy consumption at ine-enhance ang scalability, security, at accessibility. Higit pa rito, sa pamamagitan ng pag-incorporate ng sharding technology, pinapataas nito ang capacity nito para sa pag-handle ng mga transaction, na epektibong tumutugon sa mga issue sa congestion ng network.

Ire-reduce ba ng Ethereum 2.0 ang Gas Fees?

Oo, isa sa key objectives ng Ethereum 2.0 ay i-reduce ang transaction fees, na kilala rin bilang "gas fees". Inaasahang makakamit ito sa pamamagitan ng increased na transaction throughput at greater na network efficiency.

Puwede pa rin ba Akong Mag-mine ng Ethereum Pagkatapos ng Ethereum 2.0 Upgrade?

Hindi na, pagkatapos ng The Merge noong Setyembre 2022, minarkahan ng transition ng Ethereum 2.0 patungo sa proof-of-stake (PoS) ang pagtatapos ng ETH mining. Matapos ang Merge, nag-evolve ang Ethereum mula sa isang proof-of-work (PoW) at naging proof-of-stake blockchain, na nag-aalis sa proseso ng pag-mine. Ngayon, puwedeng mag-stake ng ETH ang mga participant sa PoS network para mag-earn ng mga reward, na naaayon sa bagong consensus mechanism.

Ano ang Mangyayari sa Aking Existing na ETH Holdings Pagkatapos ng Ethereum 2.0?

Mananatiling secure at hindi maaapektuhan ang iyong existing na Ethereum tokens. Idinisenyo ang transition sa Ethereum 2.0 para maging seamless para sa token holders, nang walang required na action sa kanilang panig na i-retain o i-convert ang existing na ETH nila.

Ano ang Price Prediction para sa ETH Pagkatapos ng Ethereum 2.0?

Ang pag-forecast sa price trajectory ng Ethereum (ETH) pagkatapos ng Ethereum 2.0 ay complex, dahil na rin sa inherently volatile at speculative nature ng cryptocurrency market. Pine-predict ng mga analyst na ang mga improvement sa scalability, efficiency, at sustainability na dulot ng Ethereum 2.0 ay maaaring mag-boost sa demand para sa at valuation ng ETH. Gayunpaman, napakahalagang bantayan ang mga macroeconomic indicator, market sentiment, at mas malalawak na market trend, dahil may significant role ang mga factor na ito sa pag-influence ng market trajectory ng ETH.