i. KuCoin Spot market (rekomendado)
Maaari mong i-trade ang mga naka-leverage na token sa spot market ng KuCoin. Magpunta sa pahina ng mga naka-leverage na token at piliin ang nais mo, pindutin ang “I-trade ” upang bumili o magbenta.
ii. Suskrisyon/Pagtubos
Ipo-proseso ng KuCoin ang mga hiling sa pagsuskribi at pagtubos sa 08:00,16:00,00:00(UTC+8) bawat araw. Ang mga presyo ng suskrisyon/pagtubos ay ayon sa resulta ng pagsasagawa, kaya hindi tiyak ang oras at presyo nito. Mangyaring maging maingat sa iyong pangangalakal.
Ang mga sumusunod ay ang mga bayaring hihingin mula sa mga Naka-leverage na Token ng KuCoin:
i. Bayarin sa Pangangakal: Ito ay sisingilin kapag bumibili/nagbebenta ng mga naka-leverage na token sa spot market. Ang antas ng bayarin ay kapareho nang sa spot trading.
ii. Bayarin sa suskrisyon: Ito ay sisingilin kapag nagsususkribi ng mga naka-leverage na token. Sa kasalukuyan, ito ay 0.1% sa bawat pagsuskribi.
iii. Bayarin sa suskrisyon: Ito ay sisingilin kapag tumubos ng mga naka-leverage na token.Sa kasalukuyan, ito ay 0.1% sa bawat pagtubos.
iv. Bayarin sa pamamahala: 0.05%ay sisingilin tuwing 07:45 (UTC+8) bawat araw. Ang bayarin ay isasama sa netong halaga ng pag-aari ng mga naka-leverage na token at hindi makakaapekto sa iyong mga pinanghahawakan. Patuloy kang sisingilin sa pamamahala ng sistema, samakatuwid mangyaring maging maingat sa matagalang paghahawak ng mga naka-leverage na token.
i. Kumpara sa spot market, ang merkado ng mga naka-leverage na token ay may mas malaking panganib at walang katitiyakan. Ang mga naka-leverage na token ay maaaring magdala ng malakihang tubo o pagkalugi habang bukas ang kalakalan.
ii. Dahil sa mekanismo ng pagbalanse muli at mga bayarin sa pamamahala, lalaki ang mga bayarin habang tumatagal ang paghawak ng mga naka-leverage na token.Samakatuwid, mangyaring maging maingat sa matagalang paghahawak ng mga naka-leverage na token.