Sa mismong pagsisimula ng bawat oras, ang mga asset sa lending pool ay nile-lend out batay sa net amount na iba-borrow (total amount na iba-borrow - amount na binayaran). Ganito isinasagawa ang order matching:
Isinasagawa ang interest rate bidding bawat oras batay sa Minimum Lending APY, at ginagamit bilang Current Lending APY ang pinakamataas na value ng bid:
Kung, Minimum Lending APY < Current Market Lending APY, successful na ile-lend out ang mga asset gamit ang Current Lending APY.
Kung, Minimum Lending APY > Current Market Lending APY, hindi ile-lend out ang mga asset, at walang mae-earn na interest.
Kung, Minimum Lending APY = Current Market Lending APY, ile-lend out ang portion ng mga asset o walang ile-lend out na asset.
Sa oras na ito, ang interest rate na babayaran ng mga borrower ay batay sa Current Market Lending APY. Kung ang Minimum Lending APY <= Current Market Lending APY, at successful na na-lend out ang mga asset, makakatanggap ng interest batay sa Current Market Lending APY ang user na nagle-lend out ng kanyang mga asset.
Magde-deduct ang system ng isang partikular na percentage mula sa current lending APY ng market batay sa iyong minimum lending APY at fundraising amount ng platform.
Ang iyong actual lending APY ay maaaring mas mababa kaysa sa minimum lending APY. Tandaan na ang mga return sa interest at ifa-finalize ayon sa actual lending rate.