Mga VIP Benefits Voucher
1) Ano ang VIP Benefits Voucher?
Dahil sa mga VIP Benefits Voucher, mae-experience at mae-enjoy ng sinumang user ang mga VIP fee discount. Kapag gumamit ka ng VIP Benefits Voucher, mae-enjoy mo ang parehong VIP fee discounts gaya ng users na kabilang sa VIP tier na naka-specify sa voucher sa loob ng number ng mga araw na naka-specify rin sa voucher. Ang mga partikular na diskwento sa bayarin para sa iba't ibang antas ng VIP ay ipinapakita rito: https://www.kucoin.com/vip/privilege
2) Paano ako makakakuha ng VIP Benefits Voucher?
Maaaring makuha ang mga VIP Benefits Voucher mula sa Bonus Center, mula sa Rewards Packs, at sa pamamagitan ng pagsunod at pakikilahok sa iba't ibang promosyon at kaganapan sa KuCoin.
3) Paano gamitin ang mga VIP Benefits Voucher?
Sa KuCoin mobile app, pumunta sa “Bonus Center” at piliin ang VIP Benefits Voucher na gusto mong gamitin. Kapag na-apply na ang voucher, mae-enjoy mo ang mga corresponding na VIP fee discount sa iyong mga trade.
4) FAQ (Q&A)
Q: Puwede ba akong gumamit ng higit sa isang VIP Benefits Voucher nang sabay-sabay?
A: Hindi. Sa kasalukuyan, puwedeng gamitin ang mga VIP Benefits Voucher nang paisa-isa lang. Kung susubukang mag-apply ng user ng ikalawang VIP Benefits Voucher sa kanyang account bago mag-expire ang duration ng VIP Benefits Voucher na naunang in-apply, magte-take effect ang ikalawang in-apply, at automatic na mavo-void ang nauna.