Trading Bot Trial Funds
1) Ano ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher?
Nagbibigay-daan ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher sa mga user na subukan ang mga trading bot nang hindi kinakailangang mag-invest ng anumang totoong asset at nang hindi nagkakaroon ng anumang risk. Gamit ang Trading Bot Trial Fund Voucher, puwedeng mag-create ang users ng trading bots na may investment amounts na naka-specify sa voucher. Kung matugunan ang ilang partikular na condition, puwedeng i-withdraw ng users ang profits na na-generate ng trading bots na kinreate gamit ang Trading Bot Trial Fund Vouchers.
2) Paano ako makakakuha ng mga Trading Bot Trial Fund Voucher?
Puwedeng makuha ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher sa page ng Trading Bot, mula sa KuCoin Bonus Center, mula sa Rewards Packs, at sa pamamagitan ng pag-follow at pag-participate sa mga promotion at event ng Trading Bot.
3) Paano gamitin ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher?
Puwedeng i-select at i-apply ng mga user ang kanilang mga Trading Bot Trial Fund Voucher sa creation page ng trading bot. Bilang alternatibo, mula sa KuCoin mobile app, puwedeng pumunta ang mga user sa “Bonus Center” para i-view at i-apply ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher nila. I-take advantage ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher para subukan ang mga trading bot nang hindi kinakailangang i-invest ang alinman sa mga asset mo at nang hindi nagkakaroon ng anumang risk.
4) FAQ (Q&A)
Q: Puwede ko bang i-combine ang Trading Bot Trial Funds sa sarili kong funds (assets) para mag-create ng trading bot?
A: Hindi. Puwedeng gamitin ang mga Trial Fund Voucher nang independent lang at hindi puwedeng i-combine sa mga asset ng user kapag nagki-create ng mga trading bot.
Q: Puwede bang gamitin ang Trading Bot Trial Fund Voucher nang higit sa isang beses?
A: Hindi. Isang beses lang puwedeng gamitin ang bawat Trading Bot Trial Fund Voucher. Bilang karagdagan, ang funds mula sa Trial Fund Voucher ay hindi puwedeng i-divide sa mas maliliit na portion para gamitin nang hiwa-hiwalay, at hindi rin puwedeng i-transfer sa iba pang account ang funds mula sa Trial Fund Voucher.
Q: Puwede pa rin bang gamitin ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher pagkatapos mag-expire ang mga ito?
A: Hindi. Ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher ay hindi na puwedeng gamitin pagkatapos mag-expire ang mga ito. Bilang karagdagan, kapag na-reach na ang duration ng paggamit ng Trading Bot Trial Fund Voucher, automatic na ititigil ang trading bot na kinreate gamit ang Trading Bot Trial Fund Voucher na iyon at iko-close ang mga kaugnay na position.
Q: Puwede bang gamitin ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher para mag-create ng anumang type ng trading bot?
A: Hindi. Maaaring naka-restrict ang ilang Trading Bot Trial Fund Voucher, at makakapag-create ang mga ito ng ilang partikular na type lang ng mga trading bot.
Q: Puwede bang gamitin ang mga Trading Bot Trial Fund Voucher para sa lahat ng trading pair?
A: Hindi. Maaaring naka-restrict ang ilang Trading Bot Trial Fund Voucher, at magagamit ang mga ito para sa ilang partikular na trading pair lang.
Q: Paano ako makakapag-withdraw ng mga profit na na-generate ng trading bot na kinreate gamit ang Trading Bot Trial Fund Voucher?
A: Kung natugunan ang mga requirement (ibig sabihin, pagkatapos mag-run ang bot nang hindi bababa sa 24 hours at nakumpleto ang hindi bababa sa 10 trades), ang profits na na-generate mula sa trading bot na kinreate gamit ang Trading Bot Trial Fund Voucher ay automatic na ita-transfer sa iyong Trading Account pagkatapos itigil ang trading bot at kasunod nito ay puwede na ring i-withdraw o gamitin para sa trading. Bilang pagsunod sa mga patakaran sa risk control, kapag natugunan ang mga requirement sa withdrawal, automatic na magsasagawa ng review ang system. Kapag nakumpleto na ang review at naaprubahan ang withdrawal, iki-credit sa iyong account ang mga kaugnay na profit. Kung natuklasan na napakaraming account ang kinreate para makakuha ng malalaking amount ng Trial Funds, o kung may natuklasang iba pang nakakahamak na gawi na lumalabag sa nauugnay na terms at conditions, nakalaan sa KuCoin ang karapatang i-ban ang mga nauugnay na account at i-forfeit ang mga kaugnay na profit o asset.