Mga Trading Bot Fee Rebate Coupon
1. Ano ang mga Trading Bot Fee Rebate Coupon?
Tinutulungan ka ng mga Trading Bot Fee Rebate Coupon na maibalik ang ilan sa mga fee na required kapag gumagamit ng mga trading bot. Pagkatapos mag-run ng trading bot sa KuCoin, mae-enjoy mo ang refund sa portion ng mga fee nito. Ang amount na ito ay batay sa rebate ratio, rebate cap, at duration ng paggamit na naka-specify sa iyong existing na fee rebate coupon.
2. Paano ako makakakuha ng mga Trading Bot Fee Rebate Coupon?
Makukuha mo ang mga ito sa pamamagitan ng pag-follow at pag-participate sa mga trading bot event. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa mga page ng trading bot, sa Rewards Hub, sa pamamagitan ng mga giveaway, at maraming iba pang limited-time na event para sa mga trading bot.
3. Paano ko gagamitin ang Trading Bot Fee Rebate Coupon?
Puwede kang mag-select ng existing na fee rebate coupon na gagamitin mo sa page ng Mag-create ng Trading Bot sa pag-set up. Maaari mo ring i-view at gamitin ang mga ito sa KuCoin app sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Coupon Ko. Halimbawa, ipagpalagay mong mayroon kang coupon na nagkakahalaga ng 10 USDT na may 20% rebate rate. Ginamit mo ito para mag-create ng BTC/USDT spot grid trading bot, at umabot sa 20 USDT ang total fees na na-incur ng bot. Sa termination ng bot, makakatanggap ka ng rebate amount na 4 USDT (20% iyon ng 20 USDT).
4. Mga Frequently Asked Question (Q&A)
Q: Puwede bang gamitin ang isang Trading Bot Fee Rebate Coupon nang maraming beses?
A: Sa kasamaang-palad, hindi. Magagamit lang ang bawat coupon para sa pag-create ng isang bot. Kapag na-close mo na ang bot, hindi na puwedeng gamitin ulit ang coupon.
Q: Puwede bang gamitin ulit ang Trading Bot Fee Rebate Coupon?
A: Hindi rin. Dahil ang bawat coupon ay para lang sa creation ng single bot, ang pag-close ng bot ay nangangahulugang hindi na magagamit ulit ang coupon, at hindi puwedeng i-transfer ang rebate sa iba pang account.
Q: Nag-e-expire ba ang mga Trading Bot Fee Rebate Coupon?
A: Oo. Ang mga hindi nagamit na coupon ay automatic na mag-e-expire at hindi na magagamit pagkatapos ng expiration date ng mga ito. Gayundin, ang anumang fee na na-generate pagkatapos ng expiration ng coupon ay hindi magka-qualify para sa mga rebate.
Q: Gumagana ba ang mga Trading Bot Fee Rebate Coupon para sa anumang trading bot strategy?
A: Hindi sa lahat. Ang ilang coupon ay maaaring may mga limitation kung sa aling mga bot strategy puwedeng gamitin ang mga ito.
Q: Gumagana ba ang mga Trading Bot Fee Rebate Coupon para sa anumang trading pair?
A: Hindi sa lahat. Ang ilang coupon ay maaaring may mga currency restriction sa mga trading pair kung saan mo puwedeng gamitin ang mga ito.