Introduction sa USDT/USDC Futures

Naiiba sa mga inverse contract ang USDT-margined futures ng KuCoin. Ang mga ito ay futures na kino-quote at sine-settle sa USDT/USDC. Ang USDT at USDC ay mga stablecoin na parehong naka-peg sa value ng US dollar.

Ang pinakamalaking advantage ng USDT-margined futures ay sine-settle sa US dollars ang mga ito, ibig sabihin, madali mong maka-calculate ang iyong profits sa fiat currency. Halimbawa, kapag nag-earn ka ng profit na 1000 USDT, madali mong mae-estimate na ang profit na ito ay halos katumbas ng 1000 US dollars - dahil ang value ng 1 USDT ay halos katumbas ng 1 US dollar.

 

Mga Feature ng USDT-Margined Futures:

1. Sine-settle sa USDⓈ: Ang futures ay naka-price at sine-settle sa USDT o USDC.

2. Expiration: Walang specific na expiration date ang mga perpetual contract. Samantala, nag-e-expire naman ang mga quarterly delivery contract sa huling Biyernes ng huling buwan ng quarter.

3. Clear na Rules sa Quantity: Ang bawat USDT-margined futures contract ay tumutukoy ng certain amount ng underlying asset, ibig sabihin, ang contract multiplier. Halimbawa, sa mga perpetual contract tulad ng BTC/USDT, ETH/USDT, at ARB/USDT, ang mga contract multiplier ay 0.001, 0.01, ay 1, ayon sa pagkakabanggit. Nangangahulugan ito na ang bawat BTC/USDT contract ay katumbas ng 0.001 BTC, ang bawat ETH/USDT contract ay katumbas ng 0.01 ETH, at ang bawat ARB/USDT contract ay katumbas ng 1 ARB.

4. Leverage Multiplier: Nagsu-support ng iba-ibang maximum leverage multiplier ang mga USDT-margined contract ng iba’t ibang underlying asset.

5. Funding Fee: Para i-balance ang deviation ng price sa pagitan ng spot at futures trading markets, ang USDT-margined perpetual contracts ay nag-i-incur ng funding fees batay sa market price conditions at long/short position holdings. Ang fees na ito ay sina-swap at chine-change sa mga trader tuwing walong oras.

 

Mga Note:

Ang mga contract order ay dapat na integer multiple ng contract multiplier. Kung nag-o-order ayon sa amount, puwede mong i-open ang maximum number ng mga contract na posible para sa tinukoy na amount. Kung nag-o-order ayon naman sa quantity, dapat din itong integer multiple ng contract quantity.

 

Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!

blobid0.png

 

Gabay sa KuCoin Futures:

Website Version Tutorial

App Version Tutorial

Salamat sa iyong suporta!

KuCoin Futures Team

 

Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.