Paano I-calculate ang Liquidation Price ng Futures
Ang liquidation price ay nauugnay sa average entry price ng position, leverage multiple, initial margin rate, at maintenance margin rate.
Ano ang maintenance margin rate?
Dahil sa iba-ibang position value, magkakaiba rin ang mga maintenance margin rate para sa iba’t ibang type ng mga future contract. Para sa mga detalye, i-visit ang page ng Risk Limit. Ang maintenance margin rate ay dine-determine ayon sa value ng iyong position at corresponding na risk limit level.
Gamitin nating halimbawa ang BTC/USDT perpetual contract.
Kung nagho-hold ka ng 10,000 BTC/USDT perpetual contracts na may contract multiplier na 0.001 at contract price na 28,000, sa gayon, ang iyong position value = position amount × contract multiplier × latest mark price = 10,000 × 0.001 × 28,000 = 280,000 USDT. Ang corresponding na risk limit level ay 2 at ang maintenance margin rate ay 1.4%, kaya naman, ang maintenance margin amount ay 280,000 × 0.014 = 3,920 USDT.
Ano ang liquidation price?
Para ma-maintain ang isang position, ang margin rate ng iyong account ay mas malaki dapat kaysa sa maintenance margin rate. Kung hindi matugunan ng margin ng position ang mga requirement sa maintenance margin, puwersahang iko-close ang position.
Paano i-calculate ang liquidation price ng contract?
Narito ang calculation para sa liquidation price ng mga USDT-margined contract:
Long position liquidation price = average entry price × [1 - (initial margin rate - maintenance margin rate)]
Short position liquidation price = average entry price × [1 + (initial margin rate - maintenance margin rate)]
Initial margin rate = 1 / leverage multiple
Halimbawa
Noong 28,000 USDT ang BTC/USDT contract price, nag-open si user A ng short position nang may leverage multiple na 100, at ang corresponding na maintenance margin rate ay 0.4%. Ang estimated liquidation price ng position na ito = 28,000 × [1 + (1% – 0.4%)] = 28,168 USDT.
Narito ang calculation para sa liquidation price ng mga coin-margined contract:
Long position liquidation price = average entry price / [1 + (initial margin rate - maintenance margin rate)]
Short position liquidation price = average entry price / [1 - (initial margin rate - maintenance margin rate)]
Initial margin rate = 1 / leverage multiple
Halimbawa
Noong 28,000 USDT ang BTC/USD contract price, nag-open si user A ng long position nang may leverage multiple na 50, at ang corresponding na maintenance margin rate ay 1%. Ang estimated liquidation price ng position na ito = 28,000 / [1 + (2% – 1%)] = 27,722 USDT.
Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!
Gabay sa KuCoin Futures:
Salamat sa iyong suporta!
KuCoin Futures Team
Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.