Tutorial sa Funding Rate
Ang funding rate ay isang unique feature ng perpetual contract market, na nagsisilbing mechanism para i-minimize ang price gap sa pagitan ng mga perpetual contract at ng corresponding na spot market. Nauugnay ang calculation nito sa position value at nakakaapekto sa position PNL at pati na rin sa liquidation price. Nasa ibaba ang mga karagdagang explanation.
1. Mechanism ng Funding Fee Settlement
Hindi tulad ng mga delivery contract, hindi nagre-require ng delivery ang mga perpetual contract. Hindi kailangang i-settle o i-clear ng mga user ang mga ito sa expiration, at puwede nilang i-hold ang mga ito sa extended period. Gayunpaman, kapag walang settlement, kinakailangan ng mechanism para i-align sa spot price ang contract price. Ito ang nire-refer naming bilang "funding fee mechanism". Sa madaling salita, ginagamit ng mga perpetual contract ang mechanism na ito para i-peg ang mga contract price sa mga spot price.
Binabayaran ang mga funding fee sa pagitan ng mga long at short position. Dine-determine ng positive o negative funding rate kung ang long o short position ang magbabayad sa fee.Ganap na sine-settle sa mga user ang fee, at walang charge mula sa platform.Kapag positive ang funding fee, mga long position (iyong mga nagbe-bet sa pag-increase ng price) ang magbabayad ng funding fee, habang mga short position (iyong mga nagbe-bet sa pag-decrease ng price) naman ang tatanggap ng funding fee. Nalalapat ang kabaligtaran kapag negative ang funding rate.
2. Impact ng Funding Fee Settlement sa Position PNL at Liquidation
1. Principle:
1.1 Impact sa Position PNL
Sa funding fee settlement, dalawang scenario ang maaaring mangyari:
Babayaran ni User A ang funding fee, na magreresulta sa position loss;
Matatanggap ni User B ang funding fee, na magdudulot ng position profit.
Nangangahulugan ito na ang direktang nakakaapekto sa position PNL ang settlement ng mga funding fee. Kapag kailangang magbayad ng mga funding fee ang user, makakaranas ng loss ang kanyang position.
1.2 Impact sa Liquidation
Gaya ng nabanggit, ang pagbabayad ng funding fee ay puwedeng magresulta sa position loss at na-reduce na position margin.Kapag ang margin ay nag-fall sa ibaba ng maintenance margin, mati-trigger ang liquidation. Samakatuwid, bagama’t hindi direktang nagiging sanhi ng liquidation ang funding fee settlement, may impact naman ito sa position margin.
Paki-note na ang patuloy na payment ng mga funding fee ay maaaring magresulta sa pag-fall ng margin ng iyong position sa ibaba ng maintenance margin, na magdudulot ng forced liquidation.
2. Calculation:
Funding Fee = Position Value * Funding Rate
Dine-determine ang Position Value ng mark price sa oras ng funding rate settlement.
Halimbawa:
Para sa BTC/USDT perpetual contract, nagho-hold si User A ng 0.01 BTC long position, at nasa $5,000 ang marked price at 0.01% ang funding rate sa oras ng funding rate settlement. Sa gayon:
Position Value = 0.01 * 5,000 = 50 USDT
Funding Fee = 50 * 0.01% = 0.005 USDT
Kapag positive ang funding rate, babayaran ng mga long position ang mga short position. Magbabayad si User A ng funding fee na 0.0005 USDT, habang si User B naman, na nagho-hold ng equal amount sa isang short position, ay makakatanggap ng funding fee na 0.0005 USDT.
Note: Sa mga inverse contract, Position Value = 1 / Mark Price x Quantity.
3. Para Kontrolin ang Position Risk:
Ang settlement ng mga funding fee ay naka-link sa position value at positive na nagko-correlate. Kapag mas malaki ang position value, mas malaki rin ang funding fee na babayaran o matatanggap. Kung nagho-hold ka ng malaking position, ipinapayo sa iyo na bigyan ng higit pang attention ang impact ng mga funding fee settlement sa iyong position.
Tips:
1. Iwasan ang mga oras ng funding fee settlement at subukang mag-close ng mga position nang maaga.
Sine-settle ang mga perpetual contract sa bawat 8 oras, sa ganap na 12:00, 20:00, at 04:00 (UTC+8), ayon sa pagkakabanggit. Maaaring mag-vary nang hanggang 20 segundo ang mga eksaktong oras kung kailan kinokolekta ang mga payment ng funding fee. Ang mga user lang na nagho-hold ng position sa oras ng settlement ang kailangang magbayad o tumanggap ng mga funding fee. Kung na-close ang position bago ang settlement, hindi na kailangang magbayad o mangolekta ng mga funding fee.
Sinu-support ng KuCoin ang pag-view ng history ng funding rate para sa bawat contract. Para sa mga detalye, mag-click dito.
2. Ipinapayo na iwasan ang pag-place ng mga order na may mataas na leverage.
Inirerekomenda sa mga beginner na gumamit ng leverage na hanggang 5x para mapanatiling nasa loob ng makatwirang range ang position risk.
3. Paano gamitin ang funding fee mechanism para sa stable arbitrage?
Bilang karagdagan sa pagbabayad ng mga funding fee, posible ring makatanggap ng mga ito. Kaya, paano patuloy na makatanggap ng mga funding fee para sa stable arbitrage? Ang sagot ay ang Funding Rate Arbitrage strategy, na puwedeng gamitin para makakuha ng low-risk at long-term returns. Nagbibigay-daan din ito para sa pag-diversify ng investments at hedging, na nag-e-enable sa profits kahit sa mga market na may mababang volatility.
Sa madaling salita, puwede mong i-implement ang funding rate arbitrage sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-open ng mga short position sa mga Perpetual Contract at mga long position sa mga Spot Trading/Margin Trading/Delivery Contract sa iba’t ibang trading market. Kabilang sa mga karaniwang arbitrage strategy ang pag-combine ng mga Perpetual Contract sa Spot Trading/Margin Trading, o pag-combine ng mga Perpetual Contract sa mga Delivery Contract. Tatalakayin sa mga susunod na article ang mga karagdagang detalye sa mga specific na arbitrage operation.
Kapag kino-consider ang mga strategy tulad ng basic arbitrage sa pagitan ng mga perpetual contract at spot market o ang mga multi-platform contract approach, ang key ay ang pag-leverage ng mga dual advantage ng mga funding rate. May kasamang mga risk ang bawat trading strategy, kaya importanteng pumili ng strategy na naaayon sa iyong mga preference, i-establish ang sarili mong rules sa investment, at kontrolin ang mga risk nang epektibo.
Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!
Gabay sa KuCoin Futures:
Salamat sa iyong suporta!
KuCoin Futures Team
Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.