KuCard

Mga Detalye ng Transaction sa KuCard

Huling in-update noong: 06/05/2025

Paano Gumagana ang KuCard

Nagbibigay-daan ang KuCard para makapagbayad ka nang secure at effortless gamit ang fiat (sa EUR) o crypto (sa USDT).

Kung ang hindi sapat ang iyong EUR balance para makumpleto ang isang transaction, iko-convert ang USDT sa EUR para ma-cover ang kulang. Gayunpaman, kung parehong hindi sapat ang iyong EUR at USDT balance, hindi maisasagawa ang payment.

Kung authorized ang isang transaction sa iyong KuCard, pansamantalang iho-hold ang amount sa Funding Account mo hanggang sa makumpleto ng merchant ang transaction.

Sa mga sitwasyon ng reversed authorization, huwag mag-alala – ang anumang hinold na EUR amount ay ire-release pabalik sa iyong Funding Account bilang available funds.

Magandang balita: malapit mo nang ma-customize ang paraan ng pag-debit ng iyong funds para sa payment nang higit pa, at palagi kaming nagdaragdag ng mas marami pang cryptocurrency na mapagpipilian mo!

 

Pag-unawa sa mga Debit Transaction sa KuCard

Para sa KuCard na denominated sa EUR, at USDT ang piniling cryptocurrency para sa payment.

Scenario 1: Sapat na Fiat Currency

Payment Amount: 500 EUR

Available Fiat: 1,000 EUR

Available Crypto: 1,000 USDT

Ang 500 EUR na kailangan para sa purchase ay direktang ide-debit mula sa iyong Funding Account.

Scenario 2: Hindi Sapat na Fiat, Sapat na Crypto

Payment Amount: 1,030 EUR

Available Fiat Currency: 1,000 EUR

Available Crypto (USDT): 1,000 USDT

Para sa isang produktong may price na 1,030 EUR, gagamitin muna ang buong 1,000 EUR sa account mo.

Ang remaining na 30 EUR ay iko-cover gamit ang USDT, at batay sa current na selling rate ng market ang conversion rate.


Scenario 3: Mga Non-EUR Payment

Payment Amount: 1,300 USD

Available Fiat: 1,000 EUR

Available Crypto: 1,000 USDT

Para sa isang international transaction na 1,300 USD, ginagawa ang conversion gamit ang foreign exchange rate ng Visa (mag-refer sa exchange rate calculator ng Visa).

Kung ang rate ay 1.05 USD/EUR, ang 1,300 USD ay katumbas ng 1,238.10 EUR. Gagamitin muna ang buong 1,000 EUR sa iyong Funding Account, at ang remaining na 238.1 EUR ay babayaran sa USDT, ayon sa current na selling rate ng market.

Note: Ang amount na authorized ay maaaring bahagyang mag-iba mula sa final transaction value dahil sa 5% buffer na ina-apply sa account para sa mga fluctuation sa exchange rate. Ire-refund sa iyong Funding Account ang anumang excess. Sa kasalukuyan, available ang feature na ito sa mga piling bansa lang.