FAQ sa mga Transaction sa KuCard

1. Ano ang mga transaction limit para sa KuCard ko?

  Daily Limit Monthly Limit Max Limit kada Transaction
Mga Online Transaction €20,000 €25,000 €10,000
Mga Offline Transaction €20,000 €25,000 €10,000
Mga Cash Withdrawal €350 €3,000 €350

Note: Nakabatay sa UTC time ang calculation para sa mga daily limit ng KuCard.

 

2. Bakit dinecline ang transaction ko?

  • Hindi sapat ang funds sa account
  • Maaaring na-exceed mo ang iyong spending limit (i-check ulit ang limit ng card mo)
  • Hindi pinapayagan ng merchant ang mga ganitong uri ng transaction
  • Na-flag bilang high risk ang transaction na in-attempt mo.

Kung naniniwala kang mali ang pag-decline sa iyong transaction, pakikontak ang aming customer support team.

 

3. Paano ako magsa-submit ng appeal kung may issue sa isang transaction?

Ang pinakamabilis na paraan para malutas ang isang dispute ay ang pagkontak sa merchant. Kapag nag-initiate ng refund ang merchant, maaaring tumagal nang hanggang 10 araw bago ito ma-settle. Kung nagawa mo na ito pero hindi pa rin nalutas ang issue, puwede mong i-appeal ang transaction sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ibinigay na step.

 

4. Paano pinoproseso ang mga refund?

Kapag nag-spend ka ng cryptocurrency gamit ang KuCard, ang cryptocurrency ay sine-sell, kino-convert sa EUR, at pagkatapos ay ipapadala sa merchant ang funds. Samakatuwid, pagkatapos na ma-refund ng merchant ang isang transaction, idaragdag ang refunded amount sa EUR balance sa iyong KuCoin Funding Account.

Ang mga refund ay naka-value sa EUR amount sa oras ng transaction.

Note: Hindi ika-count sa pagtanggap ng mga reward ang mga transaction na refunded.

 

5. Paano ako magsasagawa ng mga contactless payment gamit ang Apple o Google Pay?
Supported ng KuCard ang paggamit ng Apple Pay at Google Pay para sa mga contactless transaction.
Para idagdag ang KuCard sa Google Pay, puwede kang mag-refer sa Help Center ng Google Pay rito.
Para idagdag ang KuCard sa Apple Pay, puwede kang mag-refer sa aming Help Center dito

 

6. Nag-aalok ba ang KuCard ng mga bank statement?

Sa ngayon, hindi nagbibigay ng mga bank statement ang KuCard.

 

7. Paano isinasagawa ang mga transaction sa KuCard?

Anim na iba’t ibang cryptocurrency (USDT, USDC, BTC, ETH, XRP, KCS) at iisang fiat currency (EUR) ang supported KuCard. Mayroon kang flexibility na piliin kung aling cryptocurrency ang gagamitin para sa mga purchase mo. Maaari mo ring idagdag ang lahat ng ito bilang mga deductible asset, o alisin ang alinmang hindi mo na gustong gamitin. Gayunpaman, mahalagang tiyakin na may remaining pa rin na kahit isang cryptocurrency o fiat currency man lang bilang spending asset mo. Bilang karagdagan, puwede mong i-select ang order ng priority para sa mga payment sa pagitan ng crypto at fiat.