Google 2FA

Para maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access sa iyong account, inirerekomenda namin ang pag-enable ng two-factor authentication, gaya ng Google Authenticator (Google 2FA) o text message verification. Kasama sa mga halimbawa ng mahusay na security setup: Google 2FA + email verification + trading password, o, phone + trading password. Dito, gagabayan ka namin sa mga hakbang para sa pag-set up ng Google 2FA.

Content
1. Bakit Google 2FA
2. Pag-link ng Google 2FA
3. Mga Karaniwang Issue sa mga Google 2FA Code
4. Pag-troubleshoot ng mga Issue sa 2FA Access

 

1. Bakit Google 2FA

Maaaring mas karaniwang issue ang pagnanakaw sa iyong password kaysa sa iniisip mo. Puwedeng maglagay sa iyo sa risk ng data breach ang alinman sa mga sumusunod na action:
• Paggamit ng parehong password sa multiple sites
• Pag-download ng software mula sa internet
• Pag-click sa mga hindi kilalang link sa mga email

Kung may magnakaw ng iyong password, maaari ka niyang pigilan sa pag-access sa iyong account at magagawa rin niyang:
• I-trade ang iyong mga asset anumang oras, na magreresulta sa loss
• I-withdraw ang iyong mga asset, at ubusin ang laman ng account mo

Dahil sa anonymity at decentralized nature ng blockchain, ang mga action na ito ay maaaring humantong sa mga irreversible loss. Nagdaragdag ng extra layer ng security ang pag-set up ng Google 2FA para sa iyong KuCoin account.
• Para sa karamihan ng mga account, login password lang ang unang line of defense ng mga ito. Kahit na nakompromiso ang iyong password, kakailanganin pa rin ng mga attacker ang physical access sa iyong phone o mga security key gamit ang Google 2FA.
• Nagje-generate ang Google Authenticator app ng mga unique code para sa iyong account tuwing 30 seconds para makapag-log in ka. Isang beses lang maaaring gamitin ang bawat code.

 

2. Pag-link ng Google 2FA

Sa KuCoin, required ang 2FA sa mahahalagang action tulad ng pag-log in, pag-withdraw, at pagbago ng key settings ng account. Narito ang gabay kung paano i-set up ang Google 2FA sa iyong phone.

2.1. Pag-download ng Google 2FA app:
iOS: I-search ang Google Authenticator sa App Store.
Android: I-search ang Google Authenticator sa Google Play, o gamitin ang download link na ito.

2.2. Pag-link ng Google 2FA:
i. Mag-log in sa iyong KuCoin account at i-select ang profile mo mula sa top right. Hanapin ang Security ng Account → Google Verification mula sa dropdown list. I-select ang I-link (I-bind dati) tulad ng ipinapakita sa image.
G2FA 5.png

ii. Pumunta sa Security, at i-verify gamit ang iyong email o text message code. I-hit ang button na I-send ang Code para ma-send ang email o text sa phone mo. I-enter ang verification code kapag na-receive mo na ito at i-hit ang Susunod.
G2FA 6.png

iii. Bumalik sa page ng Google Verification. I-link ang Google 2FA sa iyong account sa pamamagitan ng pag-open ng app sa phone mo. I-scan ang QR code o manual na i-enter ang iyong Google security key. Kapag na-link na, magje-generate ang app ng 6-digit code na nagbabago bawat 30 seconds. I-enter ang code na ito para kumpletuhin ang pag-set up.

Note:
Palaging i-save ang iyong security key o QR code para sa future reference. Kung kailangan mong baguhin ang iyong device o i-update ang authenticator, makakatulong ang key na ito para ma-retrieve ang Google verification code mo.
• Siguraduhing i-download ang tamang Authenticator app. Ganito dapat ang hitsura ng tamang icon:
_____.png
• Mga Android Device: Para itama ang server time sa Google Authenticator, i-tap ang upper left corner, at pagkatapos ay i-select ang Settings → Time correction for codes.
G2FA 8.png
• Mga Apple Device: Kung na-fail ang iyong initial na verification code, subukang mag-restart at i-verify ulit. Gayundin, sa iyong Apple device, pumunta sa Settings → General → Date & Time. I-enable ang “24-Hour Time,” at i-set ang mga update sa “Automatic.”
G2FA 11.png
• Bago i-scan ang QR code, kailangan mong bigyan ang app ng mga permission sa camera.
• I-enter nang tama ang Google 2FA code. Kung limang beses na magkakasunod na mali ang pag-enter, magla-lock ang Google 2FA sa loob ng 2 hours.
• Sa tuwing ili-link at ia-unlink mo ang Authenticator, magkakaibang key ang makukuha mo. Tiyaking i-save ang latest key.

 

3. Mga Karaniwang Issue sa mga Google 2FA Code

Kung hindi gumagana ang iyong code, i-check ang sumusunod:
i. Kung mayroon kang Google 2FA para sa multiple accounts sa iyong phone, tiyakin na ang code na ginagamit mo ay ang specific na naka-associate sa email ng KuCoin account mo.
ii. Valid sa loob ng 30 seconds lang ang Google 2FA codes. Siguraduhing na-enter mo ang code sa loob ng time frame na ito.
iii. Naka-sync sa oras ang iyong app. I-sync ang oras sa Google Authenticator app ng iyong phone sa server time ng Google para accurate ang mga code mo.

Pag-sync ng Google Authenticator sa server time ng Google:
Para sa Android, i-adjust ang time settings sa Google Authenticator mula sa upper left corner. I-select ang Settings → Time correction for codes.
Para sa iOS, pumunta sa Settings → General → Date & Time. I-enable ang “24-Hour Time,” at i-set ang mga update sa “Automatic.”

Kung wala sa itaas ang gumana sa ngayon, subukan ang mga step sa susunod na bahagi.

 

4. Pag-troubleshoot ng mga Issue sa 2FA Access

4.1. Nawalan ng access sa current 2FA
Solution #1: I-relink ang 2FA gamit ang na-save na Google security key
Kung na-save mo ang Google key habang isinasagawa mo ang initial na pag-set up ng Authenticator, magagamit mo ito para i-relink ang Google Authenticator sa iyong device. Kapag na-relink na, i-enter ang six-digit code para mag-log in sa iyong KuCoin account.

Mga Step:
i. I-select ang Google verification code para sa iyong KuCoin account, mag-long press para mag-jump sa screen ng verification code.
ii. I-tap ang I-delete ang Account sa top right.
iii. Pagkatapos, sundin ang mga step sa 2. Pag-link ng Google 2FA ng article na ito para i-relink ang iyong KuCoin account at Google 2FA.
G2FA 9.png
Kapag tapos na, i-enter ang six-digit code para mag-log in.

Solution #2: Manual na i-unlink ang Google 2FA
i. I-select ang "Hindi available ang 2FA?" sa page ng pag-log in.
ii. I-enter ang iyong trading password at email code na sinend para i-verify ang account mo. Sundin ang mga instruction, kumpletuhin ang Identity Verification, at mag-submit ng request para manual na ma-unlink ang 2FA.
G2FA 10.png

Note:
• Naka-disable ang withdrawals sa loob ng 24 hours pagkatapos i-update ang settings ng 2FA para protektahan ang assets mo.
• Kapag kinukumpleto ang Identity Verification, i-upload ang mga required na photo habang sinusunod nang mabuti ang mga instruction dahil maaaring ma-reject ang iyong appeal kung hindi.
• Ang button na "Hindi available ang 2FA?" ay matatagpuan sa page ng pag-log in lang. Kung naka-log in ka, kakailanganin mong mag-log out at bumalik sa page ng pag-log in.
• Kung sinelect mo dati ang "I-trust ang device na ito" para automatic na i-skip ang Google 2FA sa pag-log in, mag-navigate sa "Security ng Account" pagkatapos mag-log in sa iyong KuCoin account. Alisin ang trusted na device, at pagkatapos ay mag-log out at mag-log in ulit para i-update ang settings ng security mo.

Trusted device.png

 

4.2. Ginagamit pa rin ang current 2FA, pero nais na i-switch ang Authenticator sa bagong device
Kung na-back up mo ang key:
Mag-refer sa naunang section kung paano i-link ang 2FA. Gamitin ang key para i-link ang Google Authenticator sa iyong bagong phone, at pagkatapos ay safe na i-delete ang key mula sa lumang phone mo.

Kung hindi mo na-back up ang key:
Mag-log in sa iyong KuCoin account, at pagkatapos ay mag-navigate sa Security ng Account para baguhin ang Google 2FA mo.

i. Pumunta sa Settings ng Security at i-select ang Google Verification. I-hit ang button na Baguhin.
ii. Ipadala at ilagay ang Google 2FA code para pumasa sa pag-verify.
iii. Sa page ng Google Verification, i-scan ang QR code o manual na i-enter ang iyong Google security key. Kapag na-link na, magje-generate ang app ng 6-digit code na nagbabago bawat 30 seconds. I-enter ang code na ito para kumpletuhin ang pag-set up.
G2FA 12.png

Note:
1. Kung nag-exit ka sa page bago i-click ang I-activate, hindi mase-save ang mga pagbabago sa lumang 2FA mo, kaya hindi pa rin ito magagamit.
2. Naka-disable ang withdrawals sa loob ng 24 hours pagkatapos i-update ang settings ng 2FA para protektahan ang assets mo.
3. Kapag na-verify at active na, automatic na babaguhin at ili-link ng system ang iyong bagong 2FA. Hindi na gagana ang lumang 2FA at dapat i-delete sa lalong madaling panahon.