Trading Password
Napakahalaga ng iyong trading password. Kapag naka-enable, ginagamit ito para i-verify ang lahat ng iyong transaction sa KuCoin, kabilang ang spot, futures, at margin trading, pati na rin ang mga withdrawal at action na nauugnay sa API. Tandaan o isulat nang secure ang iyong trading password. Dito, tutulungan ka namin kung paano i-set, baguhin, at i-reset ang trading password mo.
Content
1. Pag-set Up ng Iyong Trading Password
2. Pagbago ng Iyong Trading Password
3. Pag-reset ng Iyong Trading Password
1. Pag-set Up ng Iyong Trading Password
i. Sa Settings ng Security, hanapin ang Trading Password. I-select ang Settings sa tabi nito.
ii. Kumpletuhin ang security test sa pamamagitan ng pag-send at pag-enter ng iyong Google 2FA, text message, o email verification code.
iii. I-hit ang I-confirm.
Note:
• 6 digits dapat ang password at walang letter o symbol.
• Tandaan at panatilihing safe ang iyong password, dahil mare-recover lang ito sa pamamagitan ng two-factor authentication.
• Hindi kailanman ire-request ng KuCoin support ang iyong trading password sa anumang communication channel. Huwag i-share ang trading password mo sa sinuman.
2. Pagbago ng Iyong Trading Password
i. Sa Settings ng Security, i-hit ang button na Baguhin sa tabi ng Trading Password
ii. I-enter ang iyong current password at bagong password, at pagkatapos ay i-click ang I-confirm.
Note:
• Ang withdrawals, pag-sell ng crypto sa pamamagitan ng P2P, at pag-send ng Red Packets ay naka-disable sa loob ng 24 hours pagkatapos baguhin ang iyong trading password para protektahan ang assets mo.
• Kapag nabago na, effective na kaagad ang trading password mo.
3. Pag-reset ng Iyong Trading Password
i. Sa Settings ng Security, i-hit ang button na Baguhin sa tabi ng Trading Password
ii. I-select ang Nakalimutan ang trading password? sa ibaba ng page. Kumpletuhin ang proseso ng Identity Verification, at sundin nang mabuti ang mga instruction para mag-request ng manual na pag-reset ng password. Kapag nakapag-appeal ka na, ipoproseso ang iyong request nang humigit-kumulang 1–3 business days.
Note:
• Kapag kinukumpleto ang Identity Verification, i-upload ang mga required na photo at sundin nang mabuti ang mga instruction sa page dahil maaaring ma-reject ang iyong request kung hindi.
• Ang withdrawals, pag-sell ng crypto sa pamamagitan ng P2P, at pag-send ng Red Packets ay naka-disable sa loob ng 24 hours pagkatapos baguhin ang iyong trading password para protektahan ang assets mo.
• Ang pag-reset ng password ay effective kaagad pagkatapos makumpleto. I-refresh o i-restart ang page pagkatapos maka-receive ng confirmation email.
• Kung nakalimutan mo ang iyong trading password at nawalan ka rin ng 2FA access sa account mo, makipag-ugnayan sa aming support team sa pamamagitan ng pag-submit ng ticket.