Pag-link ng Iyong Phone
Para mas maprotektahan ang iyong account, i-link ang iyong phone number bilang verification method. Ang pagkakaroon ng multiple na security measures ay nagpapababa sa chances ng security breach. Kasama sa mga halimbawa ng mga naturang setup: Google 2FA + naka-link na email + trading password o naka-link na phone + trading password.
Content
1. Mga Phone-Supported na Bansa
2. Paano I-link ang Iyong Phone
3. Pagbago ng Iyong Naka-link na Phone — Paano Kung Hindi Available ang Aking Phone?
1. Mga Phone-Supported na Bansa
Supported sa 221 bansa ang pag-link sa iyong phone number sa KuCoin account mo. Maaari mong tingnan ang mga page ng pag-sign up para sa pinaka-recent na list. Patuloy rin naming pinapalawak ang coverage para sa aming text message services.
2. Pag-link ng Iyong Phone
i. Pumunta sa Settings ng Security, hanapin ang phone option, at i-hit ang button na I-link.
ii. Ire-request sa iyo na mag-enter ng verification code, mula sa Google 2FA code o email.
iii. Sa susunod na page, i-enter ang phone number na nais mong i-link at i-hit ang I-send ang Code. Ise-send sa iyo ang code sa pamamagitan ng text message. I-enter ang six-digit code at i-hit ang I-activate. Mag-e-expire sa loob ng 10 minutes ang mga verification code.
Note:
• Kung sinusubukan mong gumamit ng email verification code, tandaan na i-click ang button na I-send para mag-request ng isa.
• Naka-disable ang mga withdrawal sa loob ng 24 hours pagkatapos i-update ang iyong phone number para protektahan ang mga asset mo.
3. Pagbago ng Iyong Naka-link na Phone — Paano Kung Hindi Available ang Aking Phone?
Scenario 1: Nakakapag-log in ka at mayroon ka pa ring access sa iyong lumang phone, o mayroon kang access sa Google 2FA mo.
i. Pumunta sa Settings ng Security, hanapin ang option para sa phone, at i-select ang Baguhin.
ii. Ire-request sa iyo na mag-enter ng verification code na sinend sa iyo sa pamamagitan ng text message, Google 2FA, o email.
iii. Sa susunod na page, i-enter ang bagong phone number na nais mong i-link, at pagkatapos ay i-hit ang I-send ang Code. Ise-send ang code sa iyong phone sa pamamagitan ng text message. I-enter ang six-digit verification code at i-hit ang I-activate. Mag-e-expire sa loob ng 10 minutes ang mga verification code.
Note: Naka-disable ang mga withdrawal sa loob ng 24 hours pagkatapos i-update ang iyong phone number para protektahan ang mga asset mo.
Scenario 2: Hindi ka nakaka-receive ng mga update sa text message mula sa amin sa iyong orihinal na phone at hindi ka makapag-log in, o kailangan mong mag-switch sa bagong phone number.
Pumunta sa page ng Pag-log in, at i-select ang Mag-switch sa SMS Verification pagkatapos i-enter ang iyong password. Pagkatapos, i-select ang "Hindi available ang phone?".
O kumpletuhin ang mga step sa security at Identity Verification. I-confirm ang bagong phone number mo, at pagkatapos ay mag-submit ng request para baguhin ito.
Note:
1. Kapag kinukumpleto ang Identity Verification, i-upload ang mga required na photo habang sinusunod nang mabuti ang mga instruction dahil maaaring mag-fail ang iyong appeal kung hindi.
2. Kapag nakapag-appeal ka na, ipoproseso ito nang humigit-kumulang 1–3 business days.
Scenario 3: Wala ka nang access sa iyong dating phone number pero wala ka pang bagong phone number na ipapalit dito.
Sa ganitong sitwasyon, pakikontak ang customer support nang direkta, o mag-submit ng ticket para sa assistance.