In-Depth: Bakit Kinancel ang mga Stop Order

Nag-o-operate ang cryptocurrency market nang 24/7, hindi tulad ng mga traditional na market. Kapag ginamit nang mahusay ang mga stop-loss at take-profit order, maaaring significant na ma-reduce ang mga risk at makatipid ng oras. Dinedetalye ng gabay na ito ang stop-loss/take-profit system ng KuCoin at ipinapaliwanag ang mga condition kung saan maaaring ma-cancel ang mga stop order.

 

Scenario 1: Hindi Sapat ang Funds
Scenario 2: Nag-exceed sa Price Protection ng KuCoin
Scenario 3: Hindi Ma-fill ang Order o Hindi Expected na Fill Price sa Market Volatility

 

Scenario 1: Hindi Sapat ang Funds

Mga Latest na Update: Inirerekomenda namin na i-review ang mga latest na update sa stop-loss/take-profit feature ng KuCoin sa pamamagitan ng pagpunta sa link na ito.

Pagkatapos ng pag-upgrade, ang iyong funds ay hindi na naka-freeze kapag nagse-set ng mga stop order. Fini-freeze lang ang funds kapag na-trigger ang stop orders. Gayunpaman, ika-cancel ang orders kung hindi sapat ang funds na available sa oras na na-trigger ang mga ito.
spot a.png

Halimbawa: Si Tom ay may 32,000 USDT sa kanyang trading account at ang current BTC price ay nasa 31,000 USDT. Dahil ine-expect niya na magra-rise sa 35,000 USDT ang price pagkatapos ma-break ang resistance, nag-set siya ng stop limit order sa resistance level na 32,000 USDT. Nang makita niya na nananatiling medyo stable naman ang price ng BTC, nag-lend out si Tom ng 30,000 USDT para i-capitalize ito, at nag-iwan siya ng 2,000 USDT lang sa kanyang account.

Kapag sa wakas ay umabot sa 32,000 USDT ang BTC, mati-trigger na dapat ang stop order ni Tom. Sa kasamaang-palad, dahil sa active na pag-lend, ang available balance ay mas mababa na ngayon kaya noong unang sinet ang order, at nagre-require na ngayon ng hindi bababa sa 32,100 × 0.5 = 16,050 USDT (hindi kasama ang mga fee) para ma-trigger. Dahil dito, kinancel ang order. Katulad nito, maka-cancel din ang order kung ang funds ay labis na in-allocate sa iba pang open order o USDT trade.

 

Scenario 2: Nag-exceed sa Price Protection ng KuCoin

Para mapangalagaan ang mga interest ng trader kapag may matitinding market condition, ginagamit ng KuCoin ang Immediately Executable Price Range (IEPR) system sa spot market.

Alamin pa ang tungkol sa price protection.

Price Protection Limit = (Final Transaction Price - Best Buy o Sell Price) / Best Buy o Sell price × 100%

1. Para sa mga stop-limit order, walang restriction sa pag-set ng mga trigger o limit price. Chine-check ng system kung ang latest transaction price ay nag-exceed sa price protection limit ng KuCoin. Kung oo, ie-execute ang anumang bahagi ng order sa loob ng price limit, at ika-cancel ang excess.
spot2.png

Halimbawa: Nag-place si Tom ng stop-limit order para mag-buy ng BTC nang may price protection limit na 10%, tulad ng ipinapakita sa itaas. Sinet niya ang kanyang order sa current best sell price sa order book na 32,100 USDT. Mati-trigger ang order at ise-send para i-fill ang order book. Na-check ng system na ang bagong price ay aabot sa 35,400 USDT (10%) sakaling na-fill nang full ang order, at ito ay 10.28% increase (kina-calculate bilang [35,400 - 32,100] ÷ 32,100.) Dahil ang full filled order ay mag-e-exceed sa price protection limit na 10%, maka-cancel ang portion na naging sanhi ng paglampas sa threshold na ito.

2. Para sa mga stop-market order, chine-check din ng system kung ang latest transaction price ay nag-exceed sa price protection limit ng KuCoin. Kung oo, ie-execute ang anumang bahagi ng order sa loob ng price limit, at ika-cancel ang excess.
spot3.png

Halimbawa: Nag-set si Tom ng stop-market order para mag-buy ng BTC, nang may price protection limit na nasa 10%. Ang best available sell price sa order book ay 32,010 USDT. Kapag umabot sa 32,000 USDT ang BTC, mati-trigger ang order at ise-send para i-fill ang order book. Kung nag-activate sa 32,000 USDT ang order at nag-fill ng hanggang 36,000 USDT, masu-surpass nito ang 12.46% increase limit (calculation: [36,000 - 32,010] ÷ 32,010 = 12.46%). Dahil dito, maka-cancel ang anumang portion na mas mataas sa initial na 10% increase (pagkatapos ng 35,211 USDT, na kina-calculate mula sa 32,010 USDT × 110%).

 

Scenario 3: Hindi Ma-fill ang Order o Hindi Expected na Fill Price sa Market Volatility

1. Mga Stop Limit Order: Kapag na-trigger na, nagiging limit orders ang mga ito. Paminsan-minsan, ang mga rapid na price fluctuation ay maaaring humadlang sa pagka-fill nang full ng mga order na ito. Mananatiling mga open order ang mga order na ito hanggang sa ma-fill nang full ang mga ito o ma-cancel ng iba pang condition.
spot4.png

Halimbawa: Nag-set si Tom ng stop limit sell order, tulad ng ipinapakita sa itaas. Maaaring mangyari ang sumusunod na tatlong situation:
a. Nag-rise sa itaas ng 30,800 USDT ang BTC pagkatapos maabot ang trigger price, at nag-fill ang order sa mga best available price mula sa order book.
b. Ang BTC ay nag-fluctuate around sa trigger price na 30,800 USDT at nag-drop sa ibaba nito. Dito, ang order ay nag-fill nang partial sa alinman sa mga best available price na higit sa 30,800 USDT, at nanatiling open order ang remainder hanggang sa ma-fill o ma-cancel.
c. Mabilis na nag-fall sa ibaba ng 30,800 USDT ang BTC pagkatapos maabot ang trigger price. Sa case na ito, ang order ay mananatiling naka-open at magfi-fill lang kung bumalik o nag-exceed sa 30,800 USDT ang mga price.

2. Mga Stop Market Order: Ang mga order na ito ay fini-fill sa current market price pagkatapos mag-trigger ang mga ito. Sa case na ito, maaaring may risk ng deviation mula sa expected price kapag partikular na volatile ang mga market. Dahil dito, may bahagi ng order na maaaring ma-cancel kapag nag-exceed sa price protection limit ang bagong price.
spot5.png

Halimbawa: Nag-set si Tom ng stop market sell order tulad ng ipinapakita sa itaas. Ang best available buy price ay 31,000 USDT. Ang price protection limit ay sinet sa 10% sa ibaba nito, sa 27,900 USDT (calculation: 31,000 - [31,000 × 10%] = 27,900). Mula rito, maaaring mangyari ang mga sumusunod na situation:
a. Magra-rise sa itaas ng 31,000 USDT ang BTC price pagkatapos ma-trigger ang order, at mafi-fill nang full sa mga best available price, at hindi magda-drop sa ibaba ng 31,000 USDT.
b. Ang BTC price ay magse-stay around 31,000 USDT, pero hindi magfo-fall sa ibaba ng 27,900 USDT. Dahil dito, ang order ay mafi-fill nang fully sa mga best available buy price mula sa order book, nang may average price na higit sa 27,900 USDT.
c. Patuloy na magfo-fall ang BTC price pagkatapos mag-trigger ang order, at mas bumababa sa 27,900 USDT. Dahil nag-exceed ito sa price protection limit, part lang ng order ang ifi-fill ng system sa mga price na higit sa 27,900 USDT, at ika-cancel ang anumang remainder na mag-e-execute sa ibaba ng threshold na ito.