Pag-freeze at Pag-unfreeze ng Iyong Account
Malalaman mo rito kung paano i-freeze at i-unfreeze ang iyong account para mabilis kang makakuha ng tulong kung sakaling maharap ka sa isang security threat.
Mga Content
Pag-freeze ng Iyong Account
Pag-unfreeze ng Iyong Account
Pag-freeze ng Iyong Account
Mafi-freeze mo nang mabilis ang iyong account gamit ang tatlong method:
1. Kapag gumagawa ng mga sensitibong action, makakatanggap ka ng confirmation email na naglalaman din ng link sa pag-freeze. I-click ang link para i-freeze kaagad ang iyong account. Kabilang sa mga scenario na magpa-prompt sa confirmation email na ito:
- Hindi pangkaraniwang IP activity
- Mga notification sa pag-log in
- Pag-enable ng leverage
- Pagbago o pag-unlink ng iyong phone
- Pagbago o pag-unlink ng iyong email
- Pagbago o pag-reset ng iyong trading password
- Pagbago ng iyong login password
- Pag-create o pag-modify ng mga API
- Mga withdrawal
- Pag-freeze at pag-unfreeze ng iyong account
Ganito dapat ang hitsura ng link:
2. Kung naka-log in ka na, puwedeng gawin ang emergency freeze sa dalawang paraan:
i. Pag-select ng iyong profile → Security ng Account → I-freeze ang Account
ii. O, pumunta sa page ng Help Center → I-freeze ang Account
3. Kung pinaghihinalaan mo na nakompromiso ang iyong account o email at hindi ka makapag-log in sa KuCoin account mo, kontakin agad ang live support. Kapag na-verify na namin ang iyong identity, agad na ifi-freeze ang account mo.
Web:
I-open ang official website ng KuCoin. Sa ilalim ng section ng Mga Serbisyo sa bottom ng homepage, i-select ang Help Center. Bilang alternatibo, i-click ang icon ng customer support na “Kailangan ng anumang tulong?” sa bottom right corner.
App:
Mag-log in sa app, i-open ang menu sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong profile sa top left corner, at i-click ang Support → Online Support.
Pag-unfreeze ng Iyong Account
Kapag sigurado kang secure na ang iyong account, puwede mo itong i-unfreeze sa pamamagitan ng self-unfreeze o pagkontak sa customer support para sa manual unfreeze.
1. Self-Unfreeze
Kung ikaw mismo ang nag-freeze ng iyong account, kakailanganin mong mag-submit ng self-unfreeze request. Una, mag-log in sa iyong account. May lalabas dapat na pop-up, na magre-request sa iyo na kumpletuhin ang security verification. I-enter ang iyong trading password at verification code na na-receive mo (sa email o text) para i-verify ang account mo. Pagkatapos, sundin ang mga remaining na web prompt para makumpleto ang Identity Verification at mag-submit ng self-service unfreeze request.
2. Manual Unfreeze
Kung na-freeze ang iyong account dahil sa iba pang reason at hindi mo magawang mag-log in, mag-withdraw, o mag-trade, pakikontak ang online support. Iimbestigahan namin ang mga sanhi at ia-unfreeze ang iyong account sa lalong madaling panahon.
Umaasa kaming nakatulong ito sa iyo! Para sa karagdagang assistance, pakikontak ang aming 24/7 customer support sa pamamagitan ng online chat o pag-submit ng ticket.
Happy trading sa KuCoin!