Margin Trading: Calculation ng Spot Index
Para mapangalagaan ang iyong mga assets laban sa mga risk ng liquidation mula sa mga biglaang pagbabago ng price batay sa iisang exchange, gumagamit ang KuCoin ng BTC-denominated spot index. Nalalapat ang index na ito sa lahat ng cryptocurrency sa aming margin market, at idinisenyo parama-reflect nang accurate ang fair market value ng isang asset.
Para sa bawat cryptocurrency, ang mga trading pair mula sa list ng mga high-liquidity global exchange na may most market depth ay ginagamit para i-calculate ang index. Kung hindi natugunan ng trading pair ang aming mga requirement sa index, o kung nagbago ang market depth nito, ang index ay ina-update kaagad at nang naaayon.
Higit pa rito, mayroon din kaming system na nakatalaga para i-filter out ang anumang hindi karaniwan na price movement sa mga constituent na ito. Tinitiyak nito na ang index ay nananatiling maaasahang indicator ng fairness sa market.
Paano Namin Kina-calculate ang Spot Index:
- Sa bawat 1 segundo, ina-update namin ang mga latest na quote mula sa lahat ng constituent.
- Kung hindi BTC trading pair ang constituent, tulad ng USDT pair, kino-convert namin ang value nito sa BTC gamit ang latest na mark price ng USDT/BTC.
- Ang pag-calculate sa index price ay depende sa number ng mga price na successful naming na-retrieve:
i. Kung may isa o higit pang pair, ginagamit ang median para sa even number ng mga price, at ginagamit naman ang average ng mga middle value kapag may odd number ng mga price.
ii. Kung hindi kami makakuha ng anumang price, iko-consider na empty ang index price.
Halimbawa A:
Para sa BTC, ipagpalagay na ang mga price na kinuha para sa index ay mula sa KuCoin, Binance, at OKX. Sa isang punto ng oras, ang mga na-collect na price ay 40,000 USDT, 41,000 USDT, at 39,000 USDT bawat isa. Dahil may odd number ng mga component (tatlo), ginagamit ang median value. Sa gayon, ang spot index price para sa BTC ay 40,000 USDT.
Halimbawa B:
Ipagpalagay na sa pagkakataong ito, para sa BTC, ang mga price na kinuha para sa index ay mula sa KuCoin, Binance, OKX, at Coinbase. Sa isang punto ng oras, ang mga na-collect na price ay 40,000 USDT, 41,000 USDT, 39,000 USDT, at 42,000 USDT bawat isa. Dahil may even number ng mga component (apat), ginagamit ang average ng middle two values. Sa gayon, ang spot index price para sa BTC ay: (40,000 + 41,000) ÷ 2 = 40,500 USDT.
Kapag ang count ng component para sa pag-calculate ng index ay even, ginagamit ang average ng dalawang middle value. Kung may odd number ng mga component, ang median value naman ang ginagamit.
Ang mark price ng iyong asset ay batay sa corresponding nitong spot index price.
Paano Kina-calculate ang Mark Price:
- Kung available ang spot index, ang mark price ay katumbas ng spot index price.
- Sa mga sitwasyong nag-fail ang calculation ng spot index (dahil sa mga issue tulad ng mga pag-fail ng exchange quote o anomaly sa price), nagta-transition ang mark price para mag-match sa average filled order price sa aming platform. Sa sandaling ma-recover ang spot index, ia-adjust ulit ang mark price para mag-match sa spot index price.
Ginagamit din ang mark price para i-calculate ang debt ratio para sa iyong margin account (parehong kasama rito ang Cross at Isolated Margin Account). Ang iyong mga asset ay ito-total against sa mga liability mo sa iyong account, at ginagawa ang calculation ayon sa bawat equivalent value ng mga ito sa BTC.
Para sa pinaka-recent na spot index na ginagamit sa KuCoin Margin Trading:
Web: Mula sa tab na Mga Market > Spot > Spot Index
App: Pumunta sa Mga Market > Spot > Spot Index