Application sa Token Listing

Simula Setyembre 1, 2023, ang mga bagong interface ng Token Listing at Project Launch Management ay available na sa KuCoin platform. Bilang isa sa mga pinaka-trusted na centralized exchange, nilalayon ng KuCoin na pangalagaan ang mga interes ng mga project owner sa pamamagitan ng mga bagong feature na ito. Tutulungan ka ng article na ito na maunawaan kung paano mag-submit ng token listing, mga karaniwang issue na kinakaharap habang isinasagawa ang application, at kung paano i-verify ang identity ng iyong mga contact person.

 

Note: Ang AssetsHub ay ang system interface para sa Project Launch Management. Ito lang ang official channel para sa pag-submit ng mga application sa token listing. Bago gumawa ng anumang transfer, dapat mong i-verify ang identity ng iyong contact person at ang transfer address sa pamamagitan ng aming Official Verification Channel para matiyak na sila ay mula sa KuCoin.

 

1. Proseso ng Application

 

Step 1: I-click ang button na Mag-apply Ngayon

listing 1.png

Step 2: Mag-log in sa iyong KuCoin account

Note: Required ang KuCoin account para mag-submit ng application sa token listing.

listing 2.png

 

Step 3: Kumpletuhin ang mga detalye ng project owner, at i-click ang Susunod

Tandaan na i-save ang anti-phishing code mo. Gagamitin ng KuCoin ang code na ito para i-verify ang identity mo kapag kinokontak ang iyong team.

listing 3.png

Step 4: Punan ang information ng token, at i-click ang Susunod

Mandatory ang items 1-6, at optional naman ang items 7-9 (i-enter ang "N/A" kung hindi applicable).

listing 4.png

listing 5.png

 

Step 5: Mag-upload ng Documentation

Kabilang sa mga required na document: - Due diligence form - Mga registration document ng legal entity - Legal opinion letter - Project whitepaper - Kasunduan sa confidentiality - Third-party code security review at mga audit report para sa iyong token, produkto, at protocol - KYC information para sa hindi bababa sa 3 core project members (mga kopya ng national ID card, driver’s license, o passport)

Matapos i-upload ang lahat ng required na document, basahing maigi at sumang-ayon sa terms, at pagkatapos ay i-click ang I-submit.

listing 6.png

 

listing 7.png

listing 8.png

 

Mga Note:

1. I-download at kumpletuhin ang Due Diligence Form, at pagkatapos ay i-upload ito.

2. Ang legal opinion letter ay dapat na official na in-issue ng mga reputable na law firm sa mga jurisdiction tulad ng United States, United Kingdom, European Union, Hong Kong, o Singapore. Kung hindi naka-English ang legal opinion, kailangan mong ibigay ang original na legal opinion at ang certified na English translation nito. Kung hindi pa nakahanda ang iyong legal opinion document, pakisiguradong nakahanda na ito bago ang petsa kung kailan mo pipirmahan ang final na kasunduan sa token listing. (I-click para i-view ang Mga Guideline sa Legal Opinion na Required para sa mga Project na Ilo-launch sa KuCoin)

3. I-download at pirmahan ang Kasunduan sa Confidentiality ng KuCoin, at pagkatapos ay i-upload ito.

Step 6: Confirmation ng Submission

Pagkatapos matanggap ang iyong application, magsasagawa ng review ang KuCoin. Karaniwang tumatagal nang 1-2 weeks ang preliminary examination na ito. Kapag pumasa na ito, kokontakin ka namin sa lalong madaling panahon.

listing 9.png

 

2. Reminder sa Anti-Fraud

Naka-commit ang KuCoin sa pagprotekta ng privacy at mga asset ng aming mga user. Mag-ingat sa mga scam, at huwag basta-basta magtiwala sa sinumang nagki-claim na sila ay mula sa KuCoin nang walang karagdagang verification. Habang patuloy naming ini-improve ang aming mga audit at security mechanism, ang katotohanan ay mayroon pa rin mga scam at maaaring ma-expose ang mga tao o institution sa mga ito. Dahil dito, mag-ingat sa buong proseso ng token listing. Hindi pinahihintulutan ng KuCoin ang anumang pagtatangka sa pandaraya.

 

Para maiwasan ang mga scammer na nagpapanggap bilang mga offical ng KuCoin, narito ang tatlong paraan para makatulong na protektahan ang iyong sarili. Maging aware na ang mga scammer ay maaaring gumamit ng mga pekeng KuCoin official ID at contact method para manlinlang. Bilang final check, palaging gamitin ang aming KuCoin Official Verification Center para i-confirm ang anumang transfer address.

1. I-confirm ang mga identity sa pamamagitan ng mga online service ng KuCoin o mag-submit ng ticket.

2. I-request ang anti-phishing code na ibinigay mo sa application sa token listing. Kung hindi nila maibigay ang anti-phishing code, malamang na hindi sila official staff ng KuCoin.

3. Gamitin ang KuCoin Official Verification Center para i-check kung ang information na natanggap mo ay tunay na mula sa isang KuCoin official. I-enter lang ang nauugnay na information sa field ng pag-search at i-click ang Mag-search.

 

Mga supported na verification type: Email, Telegram ID, KuCoin’s official business wallet address, phone number, Twitter account, Skype, URLs, atbp.

listing 10.png

Mag-click dito para sa higit pang information sa mga anti-fraud measure.

 

Walang pananagutan ang KuCoin para sa mga loss na na-incur dahil sa maling information at hindi pag-verify ng information sa pamamagitan ng aming mga official channel. Pinahahalagahan namin ang iyong interes sa pag-launch sa amin, at umaasa kaming makipag-collaborate sa iyo.

 

Ang KuCoin Team

Mga Kaugnay na Artikulo

Application sa Token Listing