Introduction ng Coin-Margined Perpetual Contract at Delivery Contract

Ano ang Coin-Margined Contract?

Supported ng KuCoin ang mga coin-margined contract na kilala rin bilang mga inverse contract. Puwede kang pumili ng mga cryptocurrency (gaya ng BTC at ETH) bilang base currency para i-calculate ang margin at profit/loss, at gamitin ang US dollar bilang quote currency para i-set ang iyong trading volume. Samakatuwid, para mag-trade ng BTCUSD o ETHUSD contracts, hino-hold mo dapat ang corresponding na BTC o ETH sa contract account mo. 

Halimbawa

Ipagpalagay mong ang BTC price ay $30,000. Nag-buy ka ng BTC coin-margined contract na nagkakahalaga ng $10,000 nang may leverage na 50x. Narito ang mga calculation: Position value = 10,000 / 30,000 ≈ 0.334BTC; Initial margin required = 10,000 / 30,000 / 50 = 0.00668BTC.

幣本位永續交割合約簡介.png

Kapag ang BTC price ay nag-rise sa $40,000, ang position value = 10,000 / 40,000 = 0.25BTC. Kung iko-close mo ang iyong entire position, nangangahulugan ito ng pag-buy back ng contracts na nagkakahalaga ng $10,000 at pag-sell ng equivalent amount ng BTC, kung saan ang profit = 0.334 - 0.25 = 0.084BTC (hindi kasama ang trading fee at funding fee). Ang iyong initial margin na 0.00668 BTC ay nag-generate ng profit na 0.084 BTC, kaya ang profit margin = 0.084 / 0.00668 = 1257.48%.

 

Coin-Margined Contract vs USDT-Margined Contract

 

Unit

Naka-price sa USDT ang mga USDT-margined contract, at naka-price naman sa USD ang mga coin-margined contract.

Kaya, magkaiba ang index price ng mga ito. Halimbawa, ang index price para sa mga BTC/USDT contract ay batay sa spot price ng BTC/USDT. Para naman sa mga BTC/USD coin-margined contract, ang index price ay batay sa spot price ng BTC/USD.

 

Contract Value

Ang mga USDT-margined contract ay may contract value sa respective na base currency, hal., 0.001BTC para sa BTC/USDT. Ang mga coin-margined contract ay mayroon namang contract value na 1USD, hal., $1 para sa BTC/USD.

 

Collateral

Ginagamit ng mga USDT-margined contract ang USDT bilang collateral sa lahat ng variety, na nagpapahintulot sa pag-trade sa USDT lang. Ginagamit naman ng mga coin-margined contract ang base currency bilang collateral. Hino-hold dapat ng mga user ang corresponding na cryptocurrency para makapag-participate sa pag-trade ng mga contract na ito. Halimbawa, sa isang BTC/USD coin-margined perpetual contract, ang mga user ay kailangang mag-deposit ng BTC bilang collateral.

 

Calculation ng Profit/Loss

Para sa mga USDT-margined contract, kina-calculate ang profit/loss sa USDT. Pero naman sa mga coin-margined contract, kina-calculate ito sa base currency. Halimbawa, kapag nagte-trade ng BTC/USD coin-margined perpetual contract, kina-calculate sa BTC ang profit/loss.

 

Comparison ng Coin-Margined at USDT-Margined Contract Margin (sa BTC)

Contract Type Base Currency Quote Currency Settlement Currency Index Trading Pair Face Value
Coin-Margined Contract (Inverse Contract) BTC USD BTC BTC/USD 1USD
USDT-Margined Contract (Forward Contract) BTC USDT USDT BTC/USDT 0.001BTC

 

Perpetual Contract vs Delivery Contract

Walang expiration date ang mga perpetual contract at puwedeng i-trade nang perpetual. Sa kabaligtaran, ang mga delivery contract ay may expiration date at sine-settle sa price na nakuha mula sa isang target asset ayon sa specific na rules. Nag-i-incur ng delivery fee na 0.025% ang delivery at settlement.

Walang funding fee settlement mechanism ang delivery contract. Dahil ang mga contract price ay sine-settle malapit sa mga spot price sa delivery date, hindi masyadong nalalayo sa spot price ang delivery contract price. Sa kasalukuyan, nag-aalok lang ang KuCoin ng mga delivery contract para sa coin-margined product.

 

Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!

blobid0.png

 

Gabay sa KuCoin Futures:

Website Version Tutorial

App Version Tutorial

 

Salamat sa iyong suporta!

KuCoin Futures Team

 

Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.