FAQ sa Pag-post ng mga Ad
1. Ano ang ibig sabihin ng premium setting sa mga ad?
2. Ano ang ibig sabihin ng maximum at minimum price protection?
3. Bakit sinasabing hindi sapat ang balance ko kapag nag-post ako ng sell ad?
4. Bakit hindi ma-list ang ad ko?
5. Bakit kailangang naka-list ang mga ad pagkatapos mag-post?
6. Bakit hindi lumalabas ang na-post kong ad?
7. Paano ako magde-delist ng ad? Ano ang mangyayari kung may mga ongoing order habang nagde-delist?
8. Bakit naka-hide ang ad ko?
1. Ano ang ibig sabihin ng premium setting sa mga ad?
Kapag nag-set ka ng premium para sa iyong ad, nangangahulugan ito na nasa floating (o variable) price ang offer mo. Puwede kang mag-set ng alinman sa premium o discount.
2. Ano ang ibig sabihin ng maximum at minimum price protection?
Para sa pag-buy ng mga ad:
Nakakatulong ang pinakamataas na price na ma-maintain ang mga stable profit sa gitna ng mga drastic na price fluctuation. Iha-hide ang iyong ad kung nag-exceed ang market index price sa maximum price na ito.
Para sa pag-sell ng mga ad:
Nakakatulong ang pinakamababang na price na ma-maintain ang mga stable profit sa gitna ng mga drastic na price fluctuation. Iha-hide ang iyong ad kung ang market index price ay mas mababa sa minimum price na ito.
3. Bakit sinasabing hindi sapat ang balance ko kapag nag-post ako ng sell ad?
Para matiyak ang mga smooth na transaction, nire-require sa pag-post ng sell ad na nasa iyong Funding Account ang corresponding amount ng mga digital asset.
4. Bakit hindi ma-list ang ad ko?
Kung hindi ma-list ang iyong ad, i-check ang sumusunod:
- Siguraduhin na ang iyong account ay wala sa 24-hour withdrawal restriction period. Ang mga recent na pagbabago sa settings ng security mo (gaya ng Google 2FA, trading password, pag-link ng phone number, atbp.) ay pansamantalang pipigil sa iyo na mag-list o mag-post ng mga bagong sell ad sa loob ng 24 hours.
- Kung na-exceed mo na ang maximum na 6 ads na ili-list para sa bawat cryptocurrency.
- Kung ang iyong available balance ay mas mababa sa minimum order limit.
- Kung na-exceed mo na ang iyong daily limit. Iha-hide ang mga ad (kabilang ang mga order na nakumpleto, isinasagawa, at sumasailalim sa appeal) kapag na-reach na ng transaction amount ang daily limit; at hindi puwedeng ma-list ang mga hindi na-publish na ad.
- Inalis ang iyong ad dahil may kasama itong mga sensitibong salita tulad ng "onchat/inchat/whatsapp atbp." Kung na-detect ng KuCoin, automatic na made-delist ang ad mo. Alisin ang mga salitang ito at i-repost ang iyong ad.
5. Bakit kailangang naka-list ang mga ad pagkatapos mag-post?
Sa pag-post, ang mga ad ay nasa status na hindi naka-list. Sa gayon, maaari mong piliing i-edit o i-list ito.
6. Bakit hindi lumalabas ang na-post kong ad?
Kapag na-reach na ng daily transaction amount ng merchant ang limit, hindi na lalabas sa mga ad listing ang mga naka-list na ad, at hindi puwedeng ma-list ang mga hindi naka-list na ad.
7. Paano ako magde-delist ng ad? Ano ang mangyayari kung may mga ongoing order habang nagde-delist?
Ipinapakita ng I-manage ang Mga Ad ang lahat ng iyong na-post na ad, kasama ang data na ina-update sa real time.
Para sa mga naka-list na ad, hindi mo puwedeng i-modify o i-delete ang payment method ng mga ito. Kung kailangan mong baguhin ang payment method sa isang ad, dapat muna itong i-delist. Bago mag-delist, tiyaking walang ongoing order. Kung hindi ka makakumpleto ng order sa ad sa isang period, i-consider ang pag-hide nito. Pagkatapos i-hide, hindi na makikita ng iba ang iyong ad sa mga ad listing.
Hindi puwedeng i-delist ang ad kung may mga hindi pa natapos na order.
Kung na-reach ng transaction amount ng merchant ang kanyang daily limit, iha-hide ng system ang mga na-post niyang ad. Matatagpuan sa tab ng Mga Hindi Naka-list na Ad ang kanilang mga naka-hide na ad.
8. Bakit naka-hide ang ad ko?
Automatic na iha-hide ang iyong ad kung masyadong malaki ang number ng mga appealed order o ang nauugnay na amount.
Kapag bumalik na sa reasonable range ang number ng mga appealed order o ang appeal amount, automatic na lalabas ulit ang mga ad mo.