Deduction, Pag-track, at FAQ ng TDS sa India
Deduction ng TDS:
Kapag nag-trade ka sa KuCoin, ide-deduct namin ang TDS sa ngalan mo at ita-transfer ito sa Income Tax Department sa form ng INR.
Applicable ang TDS kapag nagse-sell ka sa INR/Crypto market, nagba-buy/nagse-sell sa Crypto/Crypto market, at nagse-sell sa P2P market. Hindi ipinapataw ang TDS kapag nag-buy ka sa INR/Crypto market.
Inilalarawan ng sumusunod na table kung kailan ipapataw ang TDS sa iyong transaction.
Mga Market | Crypto/INR | Crypto/Crypto | P2P | |||
Order Type | Mag-buy | Mag-sell | Mag-buy | Mag-sell | Mag-buy | Mag-sell |
TDS Rate | NA | 1% | 1% | 1% | NA | 1% |
Note: Bagama’t magde-deduct ang KuCoin ng 1% TDS sa iyong mga nauugnay na transaction, nais naming i-remind sa iyo na ayon sa Section 206AB ng Income-Tax Act, 1961, kung hindi nag-file ang user ng kanyang Income Tax Return sa last 2 years at ang amount ng TDS ay ₹50,000 o higit pa sa bawat isa sa dalawang nakaraang taon na ito, sa gayon, ang ide-deduct na TDS (para sa mga Crypto-related na transaction) ay nasa 5%.
Pag-track ng TDS:
Para i-check ang TDS na dineduct para sa isang partikular na trade, puwede kang pumunta sa history ng order na nakumpleto mo. Mavu-view mo ang amount na dineduct bilang TDS.
Para i-check ang iyong entire history ng deduction ng TDS, kakailanganin mong i-download ang trading report mo.
Mga FAQ:
1. Saan ko makikita ang TDS na dineduct sa aking mga trade?
Puwede mong i-check ang TDS na dineduct sa page ng mga detalye ng order. Hinihiling namin ang iyong pasensya dahil ang mga update sa trading report ay maaaring mag-reflect lang pagkalipas ng 48 hours.
2. Kailan applicable ang mataas na TDS rate?
Magiging applicable ang matataas na TDS rate kung matutugunan ang mga condition na ito:
(a) hindi ka nag-file ng ITR sa last 2 years; at
(b) ang amount ng TDS ay ₹50,000 o higit pa sa bawat isa sa dalawang nakaraang taon na ito.
Pakitandaan na bagama’t nagde-deduct ang KuCoin ng 1% TDS sa iyong mga transaction, obligation mo pa ring magbayad ng anumang balance o excess Tax sa gobyerno ng India.
3. Applicable ba ang TDS sa mga withdrawal/transfer ng crypto?
Walang applicable na TDS sa mga withdrawal o transfer ng crypto. Applicable lang ang TDS kapag nag-buy o nag-sell ng crypto.
4. Paano ko maki-claim ang aking TDS kung hindi ako napapailalim sa TDS?
Puwede mong i-claim ang TDS na dineduct sa mga crypto trade kapag nag-file ka ng ITR para sa financial year na iyon. Makikita sa ITR form ang total TDS na kinollect. Mag-refer sa latest na tax legislation at regulation para sa mga tax refund na available para sa’yo.
5. Foreign KYC ang mayroon ako, applicable ba sa akin ang TDS?
Ang TDS ay applicable para sa mga Indian user lang. Walang ipapataw na TDS para sa mga user na may foreign (non-Indian) identification.
6. Paano ko iche-check ang mga detalye ng TDS sa platform ng Income Tax?
Paki-visit ang https://www.tdscpc.gov.in/app/login.xhtml. Mag-log in gamit ang iyong PAN details at i-check ang TDS details. Kung bagong user ka pa lang, i-select ang Mag-register bilang bagong user.
I-select ang I-view/I-verify ang Tax Credit > I-select ang I-view ang Form 26AS > I-select ang Assessment Year > I-select ang I-view/I-download.
Ang mga detalye ng TDS para sa mga trade na ginawa sa KuCoin ay makikita sa ilalim ng Name ng Deductor bilang Peken Global Limited.
7. Ano ang section na Total Amount Paid/Credited sa ilalim ng Peken Global Limited sa aking Form 26AS?
Ang Total Amount Paid/Credited ay ang volume ng mga trade na ginawa sa KuCoin kung saan dineduct ang TDS.
8. Bakit hindi ipinapakita sa aking Form 26AS ang TDS na dineduct sa KuCoin?
Bagama't nagsusumikap kami nang walang kapaguran para matiyak na ang iyong mga deduction ng TDS ay updated sa platform ng Income Tax sa pinakamaikling panahon na posible, maaaring tumagal nang hanggang 45-60 days pagkatapos ng financial quarter bago makita ang mga detalye sa iyong Form 26AS.
9. Ipapakita ba ng aking Form 26AS ang natanggap kong profit/loss habang nagte-trade?
Hindi, ang makikita mo sa Form 26AS ay ang volume lang ng mga trade na ginawa sa KuCoin kung saan dineduct ang TDS.