Pag-troubleshoot sa Mga Issue sa Identity Verification (KYC)

Kung nakakaranas ka ng mga issue habang isinasagawa ang proseso ng KYC, ang mga hindi successful na attempt ay dapat na sundan ng email na may explanation ng mga naranasang issue. Matatagpuan din sa page ng Individual Identity Verification ang mga detalyeng ito. I-review at lutasin ang mga issue na ito sa iyong susunod na verification attempt para ma-expedite ang proseso ng KYC mo.

Kasama sa mga karaniwang issue:

  • Wala pang 18 taong gulang ang taong nasa ID.
  • Malabo o hindi malinaw ang ID.
  • Natatakpan o hindi kumpleto ang ID.
  • Nag-expire na ang ID.
  • Invalid ang type ng ID. Driver's license, passport, o identity card lang ang puwedeng gamitin para sa Individual Identity Verification
  • Naharangan o hindi nakikita ang face habang isinasagawa ang face verification. Iwasang magsuot ng sombrero, salamin, at huwag ding gumamit ng filter. Tiyaking may sapat na lighting.

 

1. Paano ko ia-update o ire-reset ang aking personal na data?

Kung kailangan mong i-update ang iyong personal na data para matugunan ang mga certain condition, pakihanda nang advance ang iyong mga document. Kontakin lang ang customer support, at maging handa sa pagbibigay ng mga photo ng mga document. Pagkatapos ma-verify ang identity mo, agad na ire-reset ng aming support team ang iyong KYC status. Nagbibigay-daan ito para makumpleto mo ulit ang Individual Identity Verification.

Kasama sa mga condition para sa pag-update ng iyong personal na data:
i.
Pag-update ng iyong data para matugunan ang mga requirement sa application para sa KuCard.
ii. 
Nag-expire na ang document sa KYC.
iii. 
Pagbago ng iyong pangalan sa isang wikang nare-recognize ng system (Halimbawa, pagpapalit ng ID card na nasa lokal na wika para gawin itong English passport).
iv. 
Pag-update ng iyong data para matugunan ang mga requirement ng mga specific na fiat payment method.
v.
Mga legal na pagbabago sa iyong pangalan, document number, o nationality, at nais mong i-update ang iyong Individual Identity information nang naaayon.

 

2. Gaano katagal bago makumpleto ang Identity Verification?

Karaniwang tumatagal nang 3–5 minutes ang proseso ng KYC. Gayunpaman, kung minsan, ang duration na ito ay maaaring mag-extend nang 1-3 working days depende sa mga requirement sa security ng isang platform, iyong mga local compliance policy, mga certain na feature ng produkto, o network environment.

 

3. Secure ba ang information sa KYC na ibinibigay at ini-store ko sa KuCoin? Idi-disclose ba ang personal na data ko?

Naka-encrypt nang secure sa KuCoin ang iyong information. Sumusunod kami sa mga istriktong patakaran sa privacy at hindi namin idi-disclose kailanman ang iyong personal na data.

 

4. Bakit nagre-return ang page ng error message na nagsasabing "Sorry, na-verify na dati ang ID number na ito para sa Identity Verification", pagkatapos kong i-enter ang personal na information ko?
图形用户界面, 应用程序

描述已自动生成

Ang bawat individual ay maaari lang ma-verify gamit ang isang KuCoin account. Kung nakumpleto mo na dati ang KYC gamit ang isang prior na KuCoin account, hindi ka na makakapag-verify ng bago. Dahil dito, ipagpatuloy ang paggamit ng iyong previous account. Kung na-delete na ang dating na-verify na account, kontakin ang aming support team para sa assistance.