Paano Mag-trade
Step 1: I-access ang Platform
Web: Hanapin ang Mag-trade sa top navigation bar, at pagkatapos ay i-select ang Spot Trading. Mula rito, mapupunta ka sa mismong page ng trading.
App: I-tap lang ang Mag-trade.
Step 2: Pumili ng Trading Pair
Sa page ng trading, hanapin ang trading pair kung saan mo nais mag-trade. Halimbawa, para mag-trade ng KCS, ita-type mo ang "KCS" sa search bar.
Step 3: Pag-place ng Order
Sa bottom ng trading interface, makakakita ka ng mga panel para mag-buy o mag-sell. May anim na order type na magpagpipilian mo. Kabilang sa mga ito ang mga limit order, market order, stop-limit order, stop-market order, one-cancels-the-other (OCO) order, at trailing stop order. Narito ang ilang halimbawa kung paano i-place ang bawat order type at paano gumagana ang mga ito:
i. Limit Order: Sa limit order, nakakapag-buy o nakakapag-sell ka ng cryptocurrency sa in-specify na price o better.
Halimbawa, i-assume na 4 USDT ang current price ng KCS sa KCS/USDT trading pair. Nais mong mag-sell ng 100 KCS each sa price na 5 USDT. Para gawin ito, puwede kang mag-place ng limit order para sa 100 KCS sa 5 USDT.
Una, i-select mo ang Limit, i-enter ang 5 USDT para sa price, 100 KCS para sa amount, at i-hit ang Mag-sell ng KCS para i-confirm ang iyong order.
ii. Market Order: Nag-e-execute ang market order ng buy o sell kaagad, sa current best available price sa market.
Gawing halimbawa ang trading pair na KCS/USDT. I-assume na umabot sa 4.1 USDT ang current price ng KCS, at nagpasya kang mag-sell ng 100 KCS nang mabilis. Para gawin ito, mag-issue ng market order. Ima-match ng system ang iyong sell order sa mga existing na buy order sa market, at tinitiyak nito ang swift execution. Ang mga market order ang pinakamahusay na paraan para mabilis na mag-buy o mag-sell ng mga asset.
Para sa scenario sa itaas, i-select mo ang Market, i-enter ang 100 KCS para amount, at i-click ang Mag-sell ng KCS para i-confirm ang order.
Note: Dahil instant na fini-fill ang mga market order, hindi puwedeng i-cancel ang mga ito. Mina-match ang mga ito sa mga best available na maker price at naiimpluwensyahan ng market depth, kaya mahalagang bigyan ito ng attention kapag pine-place ang iyong mga order. Matatagpuan ang mga detalye ng iyong order at transaction sa ilalim ng History ng Order at History ng Trade.
iii. Stop Limit Order: Ang stop limit order ay isang conditional trade. Kino-combine nito ang iyong limit order sa isang stop order. Para mag-place ng stop limit order, magse-set ka ng stop (stop price), price (limit price), at i-enter ang quantity (amount ng mga token na bina-buy o sine-sell mo). Kapag naabot na ang stop price, may ipe-place na limit order batay sa limit price at quantity na in-specify.
Gawing halimbawa ang trading pair na KCS/USDT. I-assume na 4 USDT ang current price ng KCS. Naniniwala ka na around 5.5 USDT ang price resistance nito, na nagsa-suggest na sa sandaling umabot sa level na iyon ang price ng KCS, malamang na hindi na ito tataas pa sa short term. Sa gayon, 5.6 USDT ang iyong ideal selling price, bagama’t hindi mo nanaising i-monitor ang market nang 24/7 para lang ma-maximize ang mga profit na ito. Sa ganitong scenario, puwede mong piliing mag-place ng stop limit order.
Para gawin ito, i-select ang Stop Limit, at mag-set ng stop price na 5.5 USDT, limit price na 5.6 USDT, at i-set ang quantity sa 100 KCS. Pagkatapos, i-click ang Mag-sell ng KCS para i-place ang order. Kapag ang price ay umabot o nag-exceed sa 5.5 USDT, mati-trigger ang limit order, at sa sandaling umabot ito sa 5.6 USDT, mafi-fill na ang iyong limit order.
iv. Stop Market Order: Ang stop market order ay isang order para mag-buy o mag-sell ng asset sa sandaling umabot ang price sa specific na price ("stop price"). Katulad ito ng stop limit order, pero kapag na-hit na ang stop price, nagiging market order ito at ifi-fill sa susunod na available market price.
Gawing halimbawa ang trading pair na KCS/USDT. I-assume na 4 USDT ang current price ng KCS. Naniniwala ka na ang resistance ay nasa 5.5 USDT, at malamang na hindi na tataas pa ang price sa short term sa sandaling umabot na ito sa level na iyon. Hindi mo ulit nanaising i-monitor ang market nang 24/7 para lang mag-sell sa isang ideal price. Sa situation na ito, puwede mong piliin ang stop market order.
Para gawin ito, i-select mo ang Stop Market, mag-set ng stop price na 5.5 USDT, quantity na 100 KCS, at pagkatapos ay i-click ang Mag-sell ng KCS. Kapag umabot o nag-exceed sa 5.5 USDT ang price, mati-trigger ang market order at ifi-fill sa susunod na available market price.
v. One-Cancels-the-Other (OCO) Order: Nagbibigay-daan ang order na ito sa iyo para mag-place ng dalawang order nang sabay: limit at stop limit order. Depende sa kung paano nagmo-move ang market, ika-cancel ng isang order ang isa pa sa sandaling ma-execute ang isa sa mga ito.
Gawing halimbawa ang trading pair na KCS/USDT, at i-assume na 4 USDT ang price ng KCS. Naniniwala ka na ang final price ng KCS ay magde-decline eventually, pagkatapos mag-rise sa 5 USDT at mag-fall, o sa pamamagitan ng pag-fall nang direkta mula sa kinaroroonan nito ngayon. Dahil dito, balak mong mag-sell ng hindi bababa sa 3.6 USDT, bago mismong mag-drop ang price sa ibaba ng support level na 3.5 USDT.
Para gawin ito, i-select ang OCO, i-set ang iyong price sa 5 USDT, stop sa 3.5 USDT (magti-trigger ng limit order kapag umabot sa 3.5 USDT ang price), limit sa 3.6 USDT, quantity sa 100, at pagkatapos ay i-click ang Mag-sell ng KCS.
Para alamin pa kung paano mag-place at gumamit ng mga OCO order:
https://www.kucoin.com/blog/everything-you-need-to-know-about-oco-orders-kucoin-tutorial
vi. Trailing Stop Order: Isa itong modified version ng isang typical na stop order. Automatic nitong ina-adjust ang stop price sa isang fixed percentage sa ibaba o itaas ng market price. Kapag parehong natugunan ng market price ang stop at percentage conditions, mati-trigger ang limit order. Sa trailing buy order, magagawa mong simulang mag-buy kaagad sa sandaling mag-umpisang mag-rise ang market pagkatapos ng pag-drop. Gayundin, sa trailing sell order, magagawa mong simulang mag-sell kaagad kapag nag-umpisang mag-fall ang market pagkatapos ng upward trend. Pinoprotektahan ng trailing stop ang gains sa pamamagitan ng pag-allow sa trade na manatiling naka-open at patuloy na mag-profit, hangga’t nagmo-move ang price nang pabor sa user. Pagkatapos, iko-close ang trade kung ang price ay nagbago ng direction sa pamamagitan ng in-specify na percentage.
Gawing halimbawa ang trading pair na KCS/USDT, at i-assume na 4 USDT ang price ng KCS. Ina-anticipate mo na magra-rise sa 5 USDT ang price ng KCS, at pagkatapos nitong patuloy na mag-rise, at most ay mare-retrace ito nang 10% ng certain level bago mo i-consider na mag-sell ulit. Para dito, ise-set mo ang iyong selling price sa 8 USDT. Ang iyong strategy ay mag-place ng sell order sa 8 USDT, at ng isa pa kung ang price ay nag-hit lang ng 5 USDT at naka-experience ng 10% retracement.
Para gawin ito, i-select ang Trailing Stop, i-set ang activation price sa 5 USDT, trailing delta sa 10%, price sa 8 USDT, quantity sa 100, at pagkatapos ay i-click ang Mag-sell ng KCS.
Para alamin pa ang tungkol sa mga trailing stop order:
https://www.kucoin.com/announcement/en-instructions-on-kucoin-trailing-stop-orders