Pag-sell ng Crypto sa Pamamagitan ng P2P Trading (App)

Bago ka mag-proceed, tingnan muna kung nakapagdagdag ka na ng payment method. Para sa tulong sa pag-configure ng iyong settings, tingnan ang: Settings ng Payment.

1. Una, mag-log in sa iyong KuCoin app.

I-select ang Mag-tradeFiat. Dadalhin ka dapat nito sa page ng Fast Trade.
1.png

Bilang alternatibo, maaari mo ring i-select ang P2P o Mag-buy ng Crypto mula sa homepage. Kung papasok ka sa pamamagitan ng Mag-buy ng Crypto, siguraduhing i-tap ang tab na Mag-sell para mag-proceed sa pag-sell ng iyong crypto
2.png

2. Para mag-sell, puwede mong gamitin ang function na Fast Trade, o mag-switch sa P2P para makipag-trade sa ibang mga user sa KuCoin.

P2P Market
I-select ang Mag-sell at hanapin ang cryptocurrency na nais mong i-sell. Dito, makikita mo ang mga current available offer sa market. I-tap ang Mag-sell sa tabi ng isang offer.
3.png

Makikita mo ang payment details ng seller at kanyang terms (kung mayroon). I-enter ang amount ng cryptocurrency na nais mong i-sell, o ang amount sa fiat na nais mong matanggap. I-tap ang Mag-sell Ngayon para i-confirm ang order.
4.png

Fast Trade
Kung pipiliin mo namang gamitin ang Fast Trade, medyo magkakatulad din naman ang mga step. Una, i-select ang Mag-sell at hanapin ang cryptocurrency na nais mong i-sell. I-enter ang amount ng cryptocurrency na nais mong i-sell, o i-tap ang icon at i-enter ang amount sa fiat na nais mong matanggap. Pagkatapos, mag-select ng P2P payment method na gusto mo. I-tap ang Mag-sell ng USDT para i-confirm ang order.
5.png

3. Kapag tapos na, iki-create ang iyong sell order. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay hintayin ang buyer na magbayad sa iyong sinelect na payment method. Nagbibigay-daan ang function na Mag-chat para makontak mo nang direkta ang buyer para sa anumang issue.
6.png

4. Kapag nakumpleto na ng buyer ang payment, makakatanggap ka ng notification.

Palaging i-check kung talagang natanggap mo ang kanyang payment sa iyong bank account o wallet bago i-release ang iyong crypto sa isang tao. Kung wala pang payment, huwag ipadala ang iyong funds!

Kapag na-confirm mo na ang receipt ng payment, i-select ang I-confirm para i-release ang funds papunta sa kanyang account.
7.png
8.png

5. Kung mayroon kang naka-set na trading password, ipa-prompt kang i-enter ito rito sa step na ito.
9.png

At tapos ka na!
10.png

Importante:
• Kung mayroon kang anumang issue habang isinasagawa ang transaction, nagbibigay-daan ang function na Mag-chat para direktang makipag-ugnayan sa buyer.
• Kung kailangan mo pa rin ng karagdagang suporta, i-tap ang Kailangan ng tulong? para makipag-ugnayan sa mga customer support agent namin.
11.png
• Paki-note na maximum na dalawang open order lang ang puwedeng i-place sa anumang oras.
• Kumpletuhin o i-cancel muna ang mga existing order bago mag-place ng mga bago.