Pagpili ng Tamang Transfer Network
Kapag handa ka nang mag-deposit o mag-withdraw ng mga cryptocurrency, mahalagang piliin ang tamang network para sa iyong mga transaction. Maaaring magresulta sa pagkawala ng mga asset mo kapag hindi mo ito ginawa. Ang ganitong pagkakamali ay katulad ng pagpapadala ng email sa maling address o pagta-transfer ng funds sa maling bank.
Paano Piliin ang Tamang Network
1. Tingnang maigi ang asset na ita-transfer mo
Nagsi-circulate sa iba-ibang network ang iba’t ibang cryptocurrency. Pagkatapos mag-select ng coin sa KuCoin, may lalabas na list ng mga supported na network sa page.
2. Pumili ng network na parehong supported ng dalawang platform
Kapag pumipili ng deposit network, ang withdrawal network ng ibang exchange o wallet ay dapat na consistent sa ginagamit ng KuCoin para sa mga deposit mo. Halimbawa, kung pipiliin mo ang USDT-ERC20 bilang deposit network, sa gayon, USDT-ERC20 din dapat ang withdrawal network.
Katulad nito, kung ang address ng iyong recipient ay nagre-require ng USDT-TRC20, sa gayon, dapat mong i-select ang USDT-TRC20 network para sa withdrawal sa KuCoin.
3. Ano ang gagawin kapag multiple networks ang supported ng dalawang platform
Karaniwan ito, lalo na sa mga asset tulad ng USDT, na supported ng multiple networks sa karamihan ng mga exchange at wallet. I-consider ang mga sumusunod na factor para matulungan kang magpasya:
Status ng Network
Kapag kasalukuyang busy o suspended ang isang network, karaniwang ipinapakita ng KuCoin ang mga notification na ito sa page. Kung nag-initiate ka ng deposit habang naka-pause ang network, iki-credit nang normal ang asset kapag gumagana at nagra-run na ito ulit.
Mga Transfer Fee
Ang iba’t ibang network ay may iba-ibang transaction fee (mga gas fee). Ipinapakita ng KuCoin ang mga real-time fee sa list ng network para matulungan kang magpasya.
Mga Transfer Speed
Ang ilang network, tulad ng Bitcoin, ay may mas mahahabang confirmation time. Kung kailangan mo ng mas mabibilis na transaction, pumili ng network na may mas mabibilis na speed. Ipinapakita ng KuCoin ang estimated na completion time para sa bawat network sa list ng network.