Introduction: Futures Martingale

Concern ka ba na baka mapalampas mo ang lows o short-selling opportunities kapag may market pullbacks? Ang Martingale strategy ay maaaring maging key asset sa iyong crypto investment toolkit.

1. Ano ang Futures Martingale?

Ang Futures Martingale ay isang flexible na Dollar-Cost Averaging (DCA) strategy, na nag-aalok ng higit na control sa mga entry cost kumpara sa traditional method ng pag-buy ng mga token sa mga set interval. Ang strategy ay nag-i-involve ng trading sa single direction sa two-sided market. Kung hindi umayon ang trade sa plano mo, mag-o-open ka ng mas malaking trade sa opposite direction. Tinutulungan ka ng approach na ito na maka-recover mula sa mga loss at potential na makakuha ng mga karagdagang profit sa pamamagitan ng pag-buy low at pag-sell high.

Parehong supported ng Futures Martingale ng KuCoin ang long at short trading. Binibigyang-daan ka nitong mag-profit mula sa mga market reversal gamit ang nako-customize na leverage, na nag-i-increase ng iyong mga trading opportunity at flexibility.

2. Mga Use Case sa Futures Martingale

Ang isang mahalagang bagay na dapat i-note ay pinakaepektibo ang Futures Martingale sa mga mid hanggang long-term na volatile market, hindi sa mga one-sided market.

Hal. Sa volatile market, kung nagte-trade ka nang long, tuloy-tuloy na magba-buy ng dips ang Martingale bot. Halimbawa, kung nagsimula ka sa isang BTC futures order sa $30,000 at nag-drop ang price, magpe-place ang bot ng mga karagdagang order sa mga reduced price. Habang nagda-drop nang 1% ang price ng BTC, automatic na magpe-place ang bot ng isa pang order sa $29,700, $29,403, at tuloy-tuloy pa. Sa gayon, unti-unting nare-reduce ang average entry price.

Kapag nag-rebound ang BTC sa iyong sinet na take-profit level, magse-sell ang bot, kaya makukumpleto na ang trade cycle. Ia-adjust ang take-profit price batay sa mga target na sinet mo.

Hal. Kung nag-set ka ng 10% take-profit target, ang take-profit price ay mag-a-adjust sa average entry price ng mga nakaraang order mo. Pagkatapos, magse-sell ang bot kung umabot na sa 10% ang ROI para makumpleto ang isang trading cycle.

Available din ang strategy na ito para sa short trading, kung saan magse-sell high ang bot at magba-buy back kapag nag-fall ang mga price. 

Long Futures Martingale: Pinakamahusay para sa mga user na bullish sa after-market pero inaasahan nila na magda-drop muna ang price bago mag-rise. Pagkatapos mag-open ng long, ipapatupad ang margin ayon sa mga pre-set interval at fill ratio kapag nag-fall ang price.

Short Futures Martingale: Pinakamahusay para sa mga user na bearish sa after-market pero inaasahan nila na maaaring mag-rebound ang price. Pagkatapos mag-open ng short, ipapatupad ang margin ayon sa mga pre-set interval at fill ratio kapag nag-fall ang price.


3. Mga Advantage ng Futures Martingale

Versatility: Ability na mag-long o mag-short, kaya naman, ideal ito para sa pag-buy ng dip o pag-profit mula sa mga reversal sa mga bullish at bearish market.

Nako-customize na Risk Management: Ang settings ng bot ay ganap na naa-adjust para umangkop sa iyong trading approach at risk comfort. Kabilang dito ang pag-set ng gusto mong take-profit targets at pagpili kung gaano kalaki ii-increase ang position mo.

User-Friendly para sa mga Beginner: Kung pipiliin mo ang AI mode, automatic na sine-set ng bot ang mga parameter para sa’yo kaya hindi na kailangan pa ng manual input.

Enhanced na Potential sa Profit: Dahil may hanggang 10x leverage, puwede mong i-maximize ang mga investment mo habang nagko-control ng maliit lang na amount ng initial funds.

4. Pag-set Up ng Iyong Futures Martingale Bot

i. I-select ang Iyong Mode

  • AI: Kumuha ng mga recommendation sa parameter batay sa mga current na market condition. I-set lang ang iyong investment amount.
  • Custom: I-adjust ang settings ng bot ayon sa iyong mga preference, trading habit, at risk appetite.

ii. I-create ang Iyong Bot

  • Napakaimportante ng initial order mo. Ang mga kasunod na order ay nakadepende sa mga price movement at sa iyong mga pre-set na threshold.
  • Kapag nakumpleto na ito, kung ang price ay nag-rise o nag-fall nang lampas sa sinet na percentage na required para idagdag sa iyong position, gagawin ang una mong incremental order.
  • Makakaapekto sa bawat kasunod na order ang size ng initial order at ang multiplier para sa incremental amount. Kung mas malaki ang multiplier, mas malaki rin ang pagkakaiba sa pagitan ng bawat order. Sa ganitong paraan, patuloy na nare-reduce ang average entry cost ng bawat position.

iii. I-run ang Iyong Bot

Ang bot ay nagba-buy o nagse-sell nang naka-batch batay sa mga market trend at rebound.

  • Habang nagfo-fall ang mga price, ang long Martingale bot ay magba-buy nang naka-batch sa mga dip at magse-sell kapag nag-rebound na ang price.
  • Habang nagra-rise ang mga price, ang short Martingale bot ay magse-sell nang naka-batch sa mga high at magba-buy ulit kapag nag-fall ang price.

iv. Itigil ang Iyong Bot

  • Kapag itinigil, maka-cancel ang lahat ng order. Puwede mong i-sell ang base currency sa pamamagitan ng isang market order kapag na-terminate na ang bot, o i-hold ito sa iyong account.


5. Mga Risk na Dapat I-consider

Market Volatility: Kung sakaling patuloy na gumagalaw ang market nang hindi naaayon sa iyo, maaari ding magdagdag ang Futures Martingale sa iyong position nang indefinite. Palaging i-consider ang potential para sa mga substantial loss at mag-set up ng mga prudent na stop-loss order.

Mga Risk ng Mataas na Leverage: Kapag nag-trade sa mataas na leverage, maaaring mag-increase ang mga loss sa mga hindi favorable na condition. Siguraduhing lubos mong nalalaman ang mga risk na nauugnay sa leveraged trading. 

Mga Liquidation Risk: Ang pag-trade nang may mataas na leverage sa mga volatile market ay maaaring magresulta sa liquidation kung nag-fall sa ibaba ng maintenance margin ang iyong account. Kapag nangyari ito, maaaring ma-liquidate ang mga position, at mawawala ang iyong funds. Ang pag-set up ng mga wastong stop-loss order ay puwedeng makatulong para i-mitigate ang mga liquidation risk.

 

Disclaimer

Ang Futures Martingale ay isang trading tool. Ang information na ibinigay sa article na ito ay inilaan para mag-inform lang, at hindi dapat ituring bilang financial o investment advice mula sa KuCoin. Dahil sa mga inherent na market risk, ang trading bot strategy na ito ay hindi nagga-guarantee ng capital preservation. Ang mga trader mismo ay may pananagutan sa pag-control sa kanilang sariling risk exposure. Ang anumang return mula sa Futures Martingale bot ay maaaring maapektuhan ng mga one-sided na market condition o hindi normal na price interval. I-adjust ang mga bot mo batay sa mga market condition para ma-manage nang epektibo ang mga risk.