Ano ang AI Futures Trend Bot at Paano Ito Gumagana

Part 1 - Ano ang KuCoin AI Futures Trend?
Paano ito gumagana? 

Ang KuCoin AI Futures Trend ay isang automatic trend tracking quantitative trading strategy. Tina-track nito ang 1-hour period weighted moving average ng cryptocurrency, na may mga golden cross para mag-buy at mga dead cross para mag-sell.


Para mas specific, nag-o-open ito ng long/nagko-close ng short kapag ang short-term na weighted average ay nag-cross sa itaas ng long-term na weighted average, at nagko-close ng long/nag-o-open ng short kapag ang short-term na weighted average ay nag-cross sa ibaba ng long-term na weighted average. Ito ay partikular na kapaki-pakinabang para sa pag-track ng mga trend sa mga market na nagmo-move nang upward o downward. Nakakatulong ang strategy sa mga user na mahanap ang best entry at exit points, kaya magpo-profit sila sa nagra-rise o nagfo-fall na market trend.

 

Para kanino ito angkop?

Angkop para sa halos lahat ng trader ang AI Futures Trend. Lalo na para sa mga trader na walang oras para bantayan ang market, makakatulong ito sa kanila na i-monitor ang market nang 24 na oras kada araw habang sine-seize ang mga profit mula sa trending market nang hindi na kailangang bantayan ito.

 

Tamang-tama rin ang trading bot na ito para sa mga trader na maaaring walang well-established na trading system o extensive na experience sa futures trading. Sa pamamagitan ng pag-invest ng funds sa bot, puwedeng automatic na i-monitor ng users ang trading signals at i-execute ang futures transactions.


Para sa aling klase ng mga market condition ito naaangkop?

Nag-e-excel ang AI Futures Trend sa pag-track ng trending market conditions pero hindi ito optimal para naman sa oscillating market conditions. Pareho nitong epektibong natutukoy ang opportunities at profits mula sa uptrends at downtrends. Gayunpaman, ipinapayo pa rin ang pag-iingat kapag nag-e-exhibit ng range oscillation ang market, dahil maaaring magresulta sa mga loss ang strategy na ito. Samakatuwid, mahalagang i-assess nang maigi ang prevailing na market conditions at iwasan ang pag-utilize ng AI Futures Trend sa prolonged periods ng market fluctuations.

 


Paano ito epektibong gamitin

1. Unawain ang strategy: Intindihin muna kung paano gumagana ang AI Futures Trend bago ito gamitin.

2. Piliin ang tamang market: Pinakamahusay na gumagana ang strategy na ito sa mga trending market.

3. Piliin ang tamang trading pair: Piliin ang mga mainstream token na may malalaking trading volume, tulad ng BTC at ETH.

4. Mag-set ng stop-profit at stop-loss: Dahil sa high risk ng futures trading, maaaring maiwasan ang risk ng liquidation kapag nag-set ng stop-profit at stop-loss para sa strategy na ito.

5. I-monitor ang market: Bantayan ang mga market fluctuation para sa napili mong token at performance ng bot.


Ano ang risk?

Sa mga volatile market, ang strategy ay maaaring mag-incur ng mga loss. Samakatuwid, napakaimportanteng i-monitor nang maigi ang prevailing na market conditions at iwasan ang pag-employ ng AI Futures Trend sa prolonged periods ng market fluctuations.

 


Part 2 - Paano Simulan ang AI Futures Trend Bot? 

Pumunta sa Home Page ng KuCoin App, i-tap ang Trading Bot.


I-select ang AI-Powered > AI Futures Trend.

KuCoin AI 01.png

Mag-create ng bot, i-select ang trading pair, i-enter ang investment amount. Puwede ka ring mag-set ng take profit target at stop loss target sa Advanced na Settings.

KuCoin AI 02.png


Pagkatapos simulan ang bot, puwede mong i-view ang mga detalye ng order sa Trading Bot > Mga Running Bot.

KuCoin AI 03.png

KuCoin AI 04.png
Pagkatapos i-tap ang Itigil ang Bot, ika-cancel ng system ang lahat ng pending order na na-place ng bot na ito at iko-close ang position sa best price sa market.

 

Part 3 - FAQ

Q: Puwede bang i-off ang AI Futures Trend habang isinasagawa ang operation?

A: Oo, puwede mong manual na i-off ang AI Futures Trend sa anumang punto.

 


Q: Magdudulot ba ng mga loss ang paggamit ng AI Futures Trend? Kung oo, paano dapat mag-respond dito?

A: Tulad ng anumang trading strategy, may kasamang mga inherent risk ang AI Futures Trend. Dahil sa katangian nito bilang isang quantitative futures trading strategy, maaaring tumaas ang mga risk na ito. Mahalaga na lubusang maunawaan ang mga operational principle ng strategy, magpatupad ng mga naaangkop na kagawian sa risk management tulad ng pag-set ng take-profit at stop-loss, at i-monitor nang vigilant ang mga market condition.

 


Q: Ano’ng mga market condition na angkop para sa AI Futures Trend?

A: Ang AI Futures Trend ay idinisenyo para sa mga trending market, na parehong sumasaklaw sa mga uptrend at downtrend.

 


Q: Supported ba ng AI Futures Trend ang pag-set ng take-profit at stop-loss?

A: Oo. Sinu-support ng AI Futures Trend ang mga user na mag-set ng take-profit at stop-loss.