Glossary ng KuCoin Futures
Magkaroon ng kaalaman para mas mahusay na mag-profit sa futures market! Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa futures trading ngayon!
A
API: Abbreviation para sa Application Programming Interface, isang software intermediary na nagbibigay-daan sa dalawang program (tulad ng KuCoin at trading bots) na makipag-talk sa isa’t isa.
Auto Deleverage: Ang Auto Deleverage ay isang mechanism para ma-cover ang mga loss na dulot ng negative balance. Nangyayari ito kapag hindi ganap na ma-cover ng insurance fund ang mga naturang loss, para matiyak na patuloy na mag-o-operate ang platform.
Auto Deposit Margin: Puwede mong piliing i-enable ang "Auto Deposit Margin" sa leverage ng order at list ng position. Kapag na-activate na ang "Auto Deposit Margin" mode, kung malapit na sa forced liquidation ang iyong position, automatic na iwi-withdraw ng system ang required na margin amount mula sa available balance mo at idaragdag ito para ma-restore ang iyong position value sa original level nito sa oras ng pag-open, kaya maiiwasan ang forced liquidation.
Average Entry Price: Ang average price ng isang position pagkatapos ng multiple trades.
Average Entry Value: Average Entry Value = Position value na kina-calculate batay sa average entry price, na hindi naaapektuhan ng mark price.
Para sa USDT-margined futures, Position Value = Position Amount x Futures Multiplier x Average Entry Price.
Para sa coin-margined futures, Position Value = Position Amount x Futures Multiplier / Average Entry Price.
Para sa reference sa calculation, tingnan ang Information sa mga USDT-Margined Futures Position.
B
BTCUSD: BTC coin-margined futures.
BTCUSDT: BTC USDT-margined futures.
Buy Long: Mag-open ng bullish position, magpo-profit kapag nag-rise ang mga futures price.
C
Coin-Margined Futures: Gumamit ng mga coin, tulad ng BTC/ETH/XRP, bilang base currency. Kino-confirm ng mga user ang futures amount na na-trade sa USD (quote currency) at kina-calculate ang margin at profit/loss sa kanilang base currency (tulad ng BTC, ETH).
F
Forced Liquidation: Kapag hindi natugunan ng margin ng position ang requirement sa maintenance margin, puwersahang ili-liquidate ang position, at mawawala ang maintenance margin.
Funding Fee = Position Value × Funding Rate. Dine-determine ang position value ng mark price sa oras ng funding rate settlement.
Funding Rate: Ang mga perpetual contract ay hindi nagre-require ng delivery sa expiration, kaya ginagamit ang Funding Fee Mechanism para i-peg ang mga contract price sa mga spot price. Sine-settle ang mga perpetual contract sa bawat 8 oras, sa ganap na 12:00, 20:00, at 04:00 (UTC+8), ayon sa pagkakabanggit. Maaaring mag-vary nang hanggang 20 segundo ang mga eksaktong oras kung kailan kinokolekta ang mga payment ng funding fee. Ang mga user lang na nagho-hold ng position sa oras ng settlement ang kailangang magbayad o tumanggap ng mga funding fee. Kung na-close ang position bago ang settlement, hindi na kailangang magbayad o mangolekta ng mga funding fee.
G
GTC: Isang Good-Till-Canceled order execution strategy. Nananatiling valid ang order hanggang sa ma-execute nang full o ma-cancel nang manual.
H
Hidden Order: Kapag gumagawa ng malalaking transaction ang mga investor, hinahati nila ang order sa ilang maliliit na limit order para i-hide ang totoong amount.
I
Index Price:Ang index price ay dine-derive mula sa aggregate prices na pino-provide ng ilang spot platform, na imu-multiply sa respective weights ng mga ito. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Index Price ng USDT-Margined Futures.
Initial Margin Rate = 1/Leverage.
Initial Margin: Ang margin na required para sa pag-open ng futures. Initial Margin = |Position Value| x Initial Margin Rate.
Insurance Fund: Isang fund pool na ginagamit para i-compensate ang mga loss na dulot ng negative balance, kaya nababawasan ang posibilidad ng auto deleverage sa KuCoin.
IOC: Isang Immediate-Or-Cancel order execution strategy. Ang order ay dapat na i-execute kaagad sa limit price o mas mainam pa. Kung hindi ma-execute kaagad ang order, ika-cancel ang hindi na-fulfill na portion.
L
Leverage Multiplier: May dalawang type ng leverage multiplier - initial leverage multiplier at actual leverage multiplier. Ang initial leverage multiplier ay ang leverage na manual na sinet ng user sa oras ng pag-open ng position. Ang actual leverage multiplier ay ang leverage na nag-iiba pagkatapos i-open ang position batay sa mga pagbabago sa mga unrealized profit and loss (PNL).
Limit on Close:Isang limit-on-close order na may trigger para sa pag-close.
Limit Order: Pine-place ang isang limit order sa specific na limit price sa order book. Ikaw ang magpapasya sa limit price. Nagkakaroon lang ng mga trade kapag na-reach ng market price ang limit price (o mas mataas pa). Hindi garantisadong mae-execute ang mga conditional limit order, na ganap na nakadepende sa mga market condition sa time na iyon.
Liquidation Price: Ang mark price kapag ang margin rate ay katumbas ng maintenance margin rate. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Paano I-calculate ang Liquidation Price ng Futures.
M
Mark Price: Karaniwang ginagamit ng futures trading ang latest fill price para i-mark ang mga position (halimbawa, pricing batay sa market value). Kung nakaka-experience ang market ng nakakahamak na manipulation o lacking ang liquidity, na nagdudulot ng mga fluctuation sa latest transaction price, maaari itong mag-trigger ng liquidation. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Mark Price para sa USDT-Margined Futures.
Margin: Sa futures trading, kailangan mong gumamit ng margin para mag-open o mag-maintain ng mga position. Ang minimum amount na required para sa pag-open ng position ay tinatawag na Initial Margin, at ang margin na kinakailangan para naman sa pag-maintain ng mga position ay ang Maintenance Margin.
Maintenance Margin Rate: May kaugnayan ito sa risk limit level ng position. Kung ang margin rate ng iyong position ay nag-drop sa ibaba ng maintenance margin rate, magti-trigger ito ng alinman sa forced reduction ng position mo o liquidation. Para sa higit pang mga detalye, tingnan ang Mga Risk Limit Level.
Maintenance Margin: Ang minimum amount ng margin na required para patuloy na mag-hold ng position ang isang user. Maintenance Margin = Position Notional Value × Maintenance Margin Rate.
Market on Close: Isang market-on-close order na may trigger para sa pag-close.
Market Order: Nagpe-place ang system ng mga order sa pinaka-likely na price na ie-execute. Kung ang order ay hindi na-fill o partial na na-fill lang, patuloy na magpe-place ng mga order ang system sa latest price na mas madaling i-execute.
P
Position Amount: Ang number ng futures na hino-hold. Nasa positive numbers ang long positions at nasa negative numbers naman ang short positions.
Position Notional Value: Ang market value ng futures, na nagfa-fluctuate kasabay ng mark price.
Para sa USDT-margined futures, Notional Value = Position Amount x Futures Multiplier x Latest Mark Price.
Para sa coin-margined futures, Notional Value = Position Amount x Futures Multiplier / Latest Mark Price.
Post Only: Hindi kaagad ie-execute sa market ang order. Sa halip, papasok ito sa order book, kaya matitiyak na ang order ay na-post sa order book at nasa order book muna para masingil ng maker fees kung na-fill ito. Kung may lumabas na matching counterparty order sa order book, automatic na ika-cancel ng system ang order.
R
Realized PNL: Ang profit and loss na naje-generate kapag ang isang user ay partial na nag-close o nag-reduce ng position, kabilang ang trading profit/loss, trading fees, at funding fees.
Reduce Only: Tinitiyak nito na pagkatapos ma-execute ang order, ide-decrease lang nito ang futures position at hindi nagre-require ng pag-freeze ng margin. Kung mag-i-increase ang position dahil sa pag-execute ng order, automatic na ire-reduce ng system ang order amount o ika-cancel ang order.
Mga Risk Limit Level: Isang risk management mechanism na ginagamit ng KuCoin Futures para sa lahat ng trading account. Habang nag-i-increase ang position value, nagde-decrease ang maximum leverage, at magse-step up ang maintenance margin rate at initial margin rate. Nakakatulong ito na ma-mitigate ang impact sa market ng mga liquidation ng malalaking position, kaya nababawasan ang mga karagdagang risk para sa iba pang user.
ROE: Return on Equity = Unrealized PNL / Initial Margin.
S
Sell Short: Mag-open ng bearish position, magpo-profit kapag nag-fall ang mga futures price.
Stop Order: Isang stop-loss o take-profit order. Mati-trigger ang order kapag na-reach ng market price ang tinukoy na trigger price. Papasok ito sa market bilang limit order o market order.
T
Take Profit/Stop Loss for Long Positions: Mga order na nagli-limit sa profit and loss ng current position kapag nag-buy/nag-go long.
Take Profit/Stop Loss for Short Positions: Mga order na nagli-limit sa profit and loss ng current position kapag nag-sell/nag-go short.
Trading Fee = Order Value × Trading Fee Rate. Para sa mga specific na trading fee rate, tingnan ang: Mga Detalye ng Trading Fee sa KuCoin Futures.
Trial Fund: Puwedeng gumamit ang mga user ng trial fund para sa futures trading, at supported nito ang mga withdrawal.
U
UID:Isang unique na ID number para sa user account.
Unrealized PNL: Ang position PNL na estimated batay sa current mark price, hindi kasama ang mga transaction fee at funding fee.
Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!
Gabay sa KuCoin Futures:
Salamat sa iyong suporta!
KuCoin Futures Team
Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.