Auto Deleverage Mechanism

Ano ang Auto Deleverage?

Kapag ang isang position ay na-take over ng liquidation system at na-close sa price na worse kaysa sa bankruptcy price, ginagamit ng system ang insurance fund para ma-cover ang negative balance na dulot ng liquidation. Kung hindi sapat ang insurance fund, ina-activate ng system ang auto deleverage system. Nire-reduce nito ang mga position ng mga trader na nagho-hold mga position sa opposite direction batay sa bankruptcy price ng mga ito, ayon sa order na dine-determine ng profit at leverage ratio ng mga ito.

Tinitiyak ng auto deleverage na ang mga user na na-force na mag-liquidate ay hindi maglo-lose ng higit sa kanilang position margin. Iniiwasan din nito ang inflexibility ng socialized loss distribution sa settlement, at ito ay mas user-friendly para sa mga low-risk trader.

 

Calculation ng Ranking sa Auto Deleverage

Ang queue ng auto deleverage ay dine-determine ayon sa profit at leverage.

Kapag mas marami kang profit na nagagawa at mas malaking leverage ang ginagamit mo, mas malamang na automatic na mare-reduce ang iyong position. Sino-sort ang lahat ng position mula sa mataas at pababa para sa mga long at short position. Ganito ang pag-calculate:

Ranking = Profit Percentage × Position Opening Leverage (kapag "Profit Percentage 0")

Kung Saan

Position Opening Leverage = Leverage na sinet sa oras ng pag-open. Para sa multiple openings, weighted average ang ginagamit. Ang leverage pagkatapos ng multiple openings ay ang sum ng values ng multiple openings na idi-divide sa sum ng initial margins para sa positions na ito.

Profit Percentage = (Mark Value - Average Position Opening Value) / Initial Margin

Initial Margin = Position Opening Value / Opening Leverage

Position Notional Value = Position value na kina-calculate batay sa current mark price

Average Entry Value = Position value na kina-calculate batay sa average opening price

 

Queue ng Auto Deleverage

Mauunawaan mo ang iyong priority sa queue ng auto deleverage sa pamamagitan ng mga sumusunod na indicator light.

May 5 levels ang indicator. Kapag nakailaw ang bawat level, nag-i-indicate ito ng 20% increase sa priority mo.

ADL.png

Gaya ng ipinapakita, kapag nakailaw ang lahat ng indicator light, nangangahulugan ito na ang iyong priority ay nasa top 20% ng queue ng auto deleverage. Samakatuwid, kapag naganap ang liquidation, kung ang market situation ay nagresulta sa hindi sapat na insurance funds para ma-cover ang mga position loss, maaaring ma-auto deleverage ang iyong position.

Maaaring mapababa ng mga trader ang risk ng pagkaka-auto deleverage sa pamamagitan ng pag-reduce ng leverage o pag-close ng ilang profitable position batay sa ranking ng mga ito sa queue.

Kung na-auto deleverage ang iyong position, makakatanggap ka ng notification mula sa system. Kasabay nito, ika-cancel ang mga hindi na-fill na order mo, at puwede mong piliing mag-reopen ng mga position.

 

Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!

blobid0.png

 

Gabay sa KuCoin Futures:

Website Version Tutorial

App Version Tutorial

 

Salamat sa iyong suporta!

KuCoin Futures Team

 

Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.