Order Type
Limit Order
Isang order na nagte-trade sa tinukoy na price. Para sa mga limit buy order, ang final transaction price ay mas mababa sa o katumbas ng tinukoy na price. Para sa mga limit sell order, ang final transaction price ay mas mataas sa o katumbas ng tinukoy na price.
Kapag successful na na-submit ang limit order, papasok sa order book ang mga hindi na-fill na order. Puwedeng i-view ng mga trader ang order information sa list ng active order. Ang mga order na ito ay nagpo-provide ng market liquidity at nag-e-earn ng maker's fee sa transaction.
Kapag nagpe-place ng limit buy order sa o mas mataas sa current ask price, o ng limit sell order sa o mas mababa sa current bid price, maaaring ma-fill kaagad ang order. Hindi napupunta sa order book ang mga order na ito. Kadalasan, magbabayad ka ng transaction fee bilang order taker sa mga scenario na ito.
Market Order
Ine-execute ang market order sa current na best available price ng market. Puwedeng piliin ng mga trader ang ganitong type ng order para sa mabilis na pag-open o pag-close ng position, lalo na sa mga urgent na scenario. Ang worst na transaction price ng market order ay palaging kino-control sa loob ng isang partikular na range. Kung nag-exceed sa range na ito ang transaction price, automatic na ika-cancel ng system ang remaining na hindi na-fill na part ng order.
Ine-extract ng mga market order ang market liquidity, kaya nag-i-incur ng taker's fee.
Nag-aalok ang mga market order ng advantage ng mabilis na execution. Gayunpaman, dapat bigyan ng attention ng mga trader ang market depth at mga price fluctuation para maiwasang mag-deviate nang significant ang average execution price mula sa anticipated price.
Stop Order
Ang mga stop order ay nagsisilbing mga stop-loss o take-profit order. Mati-trigger ang order kapag na-reach ng market price ang tinukoy na trigger price. Papasok ito sa market bilang limit order o market order.
Sa KuCoin futures, puwedeng i-set ang mga stop order nang may trigger type na latest price, mark price, o index price. Ina-activate ang order kapag na-reach ng price ng trigger type ang tinukoy na trigger price.
Hindi fini-freeze ng mga stop order ang required na margin sa oras ng placement, pero ifi-freeze nito ang kinakailangang funds ayon sa order at position kapag na-trigger ang order.
Advanced Order
Reduce Only
Kapag nag-select ng Reduce-Only order, matitiyak na ide-decrease lang ng na-execute na trade ang iyong futures position. Hindi nire-require ng order na i-freeze ang margin. Kung ang order ay nag-lead sa increase sa position, automatic na ire-reduce ng system ang order size o ika-cancel ang order.
Hidden Order
Kapag gumagawa ng malalaking transaction ang mga investor, hinahati nila ang order sa ilang maliliit na limit order para i-hide ang totoong amount.
Ang range ng hidden order size: hindi bababa sa 1/20 ng total order size, at hindi hihigit sa total order quantity.
Ine-execute ang iceberg o hidden orders nang may taker fees.
Post Only
Hindi kaagad ima-match sa market ang order. Sa halip, papasok ito sa order book, kaya matitiyak na ang order ay na-post sa order book at nasa order book muna para masingil ng maker fees kung na-fill ito. Kung may lumabas na matching counterparty order sa order book, automatic na ika-cancel ng system ang order.
Time in Force
Puwedeng i-set ang mga limit order nang may iba’t ibang time-in-force strategy, kabilang ang GTC at IOC (default option ang GTC).
GTC (Good Till Cancel): Nananatiling valid ang order hanggang sa ma-fill nang full o ma-cancel nang manual.
IOC (Immediate Or Cancel): Ang order ay dapat na i-fill kaagad sa limit price o better. Kung hindi kaagad ma-fill nang full ang order (pinapayagan ang partial execution), ika-cancel ang hindi na-fill na portion.
Simulan ang Iyong Futures Trading Ngayon!
Gabay sa KuCoin Futures:
Salamat sa iyong suporta!
KuCoin Futures Team
Note: Hindi puwedeng mag-open ng futures trading ang mga user mula sa mga naka-restrict na bansa at rehiyon.