Mga Passkey

Ang mga passkey ay matibay at epektibong mechanism para maprotektahan ang iyong account laban sa mga phishing attack at iba pang threat. Simple pero secure na paraan sa pag-log in ang mga ito, at nagsisilbing alternatibo sa mga pag-log in na nakabatay sa password. Gamit ang mga passkey, puwede kang mag-log in sa KuCoin account mo nang hindi nag-e-enter ng password. Sa halip, ang gagamitin mo lang ay ang fingerprint, facial recognition, o screen lock settings ng device mo (tulad ng PIN) para ma-access ang iyong account. Dahil dito, mave-verify mo ang iyong identity kapag gumagawa ng mga sensitibong aksyon kaya mas lalo pang napapangalagaan ang account mo.

Importanteng Note:

Ang biometric data na ginagamit para sa fingerprint o facial recognition ay naka-store sa iyong device lang at hindi kailanman sine-share sa KuCoin.

1. Mga Requirement para sa Pag-create ng Passkey

2. Paano Mag-create ng Passkey

Pag-create ng passkey sa iyong phone o computer

Pag-create ng passkey sa kalapit na device

3. Pag-log In Gamit ang Passkey

Pag-log in gamit ang passkey sa iyong current device
Pag-log in gamit ang passkey mula sa kalapit na device

4. Pag-delete ng Passkey

5. Pag-recover ng Passkey

Mga Requirement para sa Pag-create ng Passkey

Puwede kang mag-create ng passkey sa mga sumusunod na device:

  • Mga laptop o desktop na na nagra-run sa Windows 10, macOS Ventura, ChromeOS 109, o mas bago pa
  • Mga mobile device na nagra-run sa iOS 16, Android 9, o mga mas bagong version
  • Mga physical security key na nagsu-support ng FIDO2 protocol

Dapat ay mayroon ding supported na browser ang computer o mobile device mo, tulad ng:

  • Chrome 109 o mas mataas pa
  • Safari 16 o mas mataas pa
  • Edge 109 o mas mataas pa
  • Firefox 122 o mas mataas pa

Para mag-create at gumamit ng passkey, kailangan mong i-enable ang mga sumusunod na feature:

  • Screen Lock
  • Bluetooth

Kung gusto mong gumamit ng passkey para mag-log in sa isa pang computer, dapat na i-enable ang mga sumusunod na feature:

  • iCloud Keychain para sa iOS o macOS device
  • Kapag nag-set up ka ng passkey sa Apple device, ipo-prompt ka ng system na i-enable ang iCloud Keychain (kung hindi pa ito na-set up). Para alamin pa kung paano i-set up ang iCloud Keychain, mag-click dito.

Tip: Para matiyak ang maayos na experience sa mga passkey, palaging i-update ang iyong operating system at browser sa mga latest na version. Depende sa operating system at browser mo, maaaring hindi ka maka-create o makagamit ng mga passkey sa Incognito mode.

Paano Mag-create ng Passkey

Kapag nagki-create ng passkey, kailangan mong mag-log in sa iyong KuCoin account at kumpletuhin ang security verification.

Pagkatapos mag-set up ng passkey, gagamitin mo ito nang pangunahin para sa mga pag-log in nang walang password. Siguraduhing mag-create ng passkey sa mga personal device lang na kinokontrol mo. Kung magki-create ka ng passkey sa isang public device, magagamit ng sinumang makakapag-unlock sa device na iyon ang passkey para mag-log in ulit sa KuCoin account mo, kahit na pagkatapos mong mag-log out.

Pag-create ng passkey sa iyong phone o computer:

  1. Mag-log in sa KuCoin account mo.
  2. Pumunta sa: Profile → Security → Mga Passkey.
  3. I-click ang Mag-create ng Passkey at kumpletuhin ang security verification.
  4. Pagkatapos pumasa sa security verification, sundin ang mga system prompt para makumpleto ang pag-set up ng passkey.
  • Ire-require ka ng system na i-unlock ang device para sa verification. Kung gusto mong mag-create ng passkey sa maraming device, ulitin ang mga step na ito sa bawat device.

Pag-create ng passkey sa kalapit na device:

  1. Mag-log in sa KuCoin account mo.
  2. Pumunta sa: Profile → Security → Mga Passkey.
  3. I-click ang Mag-create ng Passkey at kumpletuhin ang security verification.
  4. Pagkatapos pumasa sa security verification, sundin ang mga system prompt para piliin ang “Gumamit ng Ibang Device” at sundin ang mga on-screen instruction.
  • Ipo-prompt ka na mag-umpisa ng proseso ng identity verification. Halimbawa, puwede mong piliing mag-scan ng QR code o mag-trigger ng push notification sa kalapit na device.
  • Sa kalapit na device, sundin ang mga prompt para makumpleto ang proseso ng verification. Halimbawa, kung gumagamit ka ng iPhone, puwede mong gamitin ang FaceID o mag-enter ng password.

Tip:

  • Pagkatapos i-create ang iyong unang passkey, ipa-prioritize mo ang paggamit ng passkey para mag-log in sa anumang device na nagsu-support sa mga passkey.
  • Para maprotektahan ang iyong account, huwag na huwag mag-create ng passkey sa isang naka-share na device.

Pag-log In Gamit ang Passkey

Kapag nakapagdagdag ka na ng passkey sa iyong account, secure ka nang makakapag-log in sa KuCoin nang hindi kinakailangang mag-enter ng password o magsagawa ng two-factor authentication (2FA).

Pagkatapos mag-sync ng passkey sa isang device, puwede rin itong gamitin sa maraming device na gumagamit ng parehong passkey provider (tulad ng iCloud).

Pinapayagan ng ilang authenticator na magamit ang mga passkey sa mga kalapit na device. Halimbawa, puwede kang mag-log in sa KuCoin sa isang Bluetooth-enabled na laptop na walang naka-set up na passkey. Kung nag-create ka ng passkey sa iyong phone, puwede mong piliing mag-scan ng QR code o mag-trigger ng push notification sa corresponding na phone para makumpleto ang pag-log in nang secure.

Pag-log in gamit ang passkey sa iyong current device

  1. Sa page ng pag-log in sa KuCoin, i-click ang Mag-log In Gamit ang Passkey.
  2. Sundin ang mga instruction sa iyong browser o system para i-select ang passkey na available sa device mo at kumpletuhin ang proseso ng verification. Halimbawa, kapag na-prompt, puwede mong i-touch ang fingerprint sensor o i-enter ang iyong PIN.

     

Pag-log in gamit ang passkey mula sa kalapit na device

  1. Sa page ng pag-log in sa KuCoin, i-click ang Mag-log In Gamit ang Passkey.
  2. Sundin ang mga prompt sa iyong browser o platform para piliin ang “Gumamit ng Ibang Device”, at i-access ang passkey sa pamamagitan ng kalapit na device (tulad ng pag-scan ng QR code sa phone o tablet mo).
  3. Ipagpatuloy ang pagsunod sa mga prompt para umpisahan ang proseso ng verification. Halimbawa, puwede mong piliing mag-scan ng QR code o mag-trigger ng push notification sa kalapit na device.
  4. Sa kalapit na device, sundin ang mga prompt para makumpleto ang proseso ng verification at mag-log in. Halimbawa, kung gumagamit ka ng iPhone, puwede mong gamitin ang FaceID o i-enter ang iyong password para makumpleto ang verification.

Pag-delete ng Passkey

Kung nawala ang device kung saan ka nag-create ng passkey, o kung nagkamali kang mag-create ng passkey sa isang naka-share na device, dapat mong agad na i-delete ang passkey sa device na iyon para hindi ito magamit sa pag-access ng iyong KuCoin account.

  1. Mag-log in sa KuCoin account mo.
  2. Pumunta sa: Profile → Security → Mga Passkey.
  3. I-select ang passkey na gusto mong alisin at i-click ang I-delete.
  4. I-review ang impormasyon sa pop-up ng Confirmation ng Pag-delete, at pagkatapos ay i-click ang button na I-delete. Kumpletuhin ang proseso ng verification ayon sa prompt para i-delete ang passkey.

Pag-recover ng Passkey

Maraming system ang nagsu-support ng synchronization ng passkey, at ang iyong mga key ay maaaring i-back up ng account system ng provider (iCloud, Google account, password manager, atbp.). Kung nawalan ka ng device, puwede mong ma-recover ang mga naka-sync na key sa pamamagitan ng pag-log in sa key provider.

Sa ilang sitwasyon, maaaring naka-bind sa device ang iyong mga key, ibig sabihin, hindi masi-sync o maba-back up sa cloud ang mga ito. Kung mawala o mabura mo ang device, hindi na mare-recover ang mga key sa gayon. Kung gumagamit ka lang ng mga key na naka-bind sa device, pinakamainam na i-register ang mga key sa kahit dalawang magkaibang device man lang kung sakaling mawalan ka ng access sa isa sa mga ito.